Philippines, 27 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Magandang Laban Ito!

PhilBoxing.com
Thu, 29 Jan 2009

MANILA ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat, kayong mga masusugid kong tagapagsubaybay ng kolum na ito, kasama na rin ang milyun-milyong Filipino sa buong mundo.

Opo, pirmado na naming dalawa ni Ricky Hatton ng England ang mga kontrata at wala nang atrasan ang laban namin ng hari ng 140-pound division, isang timbang na hindi ko pa nalalabanan sa kabuuan ng aking career sa boxing.

Tuluy na tuloy na sa May 2 ang sagupaan namin ni Hatton, isang magaling na boxer na may impresibong record na 45 panalo, 32 dito ay natapos sa knockout, at may isang talo lamang.

Ayon sa mga plano ng aking promoter, ang Top Rank Inc. na pinamumunuan ni Bob Arum, gaganapin ang unang formal announcement sa United Kingdom, sa teritoryo mismo ni Hatton. Pupunta ako, kasama ng aking koponan, sa UK sa ikatlong linggo ng Pebrero mula sa Pilipinas via US. Tatlong araw ang planong bisita namin sa Inglatera, ayon sa message na aking natanggap kamakailan lang. Siguradong malaking exposure ito para sa sport ng boxing at siguradong mainit ang pagsalubong ng mga fans sa buong mundo.

Plano rin na i-promote namin ni Hatton ang laban sa New York at Los Angeles, at marahil sa iba pang lungsod sa US, pagkatapos ng United Kingdom press conference namin.

Masasabi kong magandang laban ang magaganap sa pagitan namin ni Hatton.

Sabik na sabik na akong bumalik sa training at tinatapos ko na lang ang iba sa marami kong commitment dito sa Pilipinas, kasama na rin ang pagtatapos ng aking pag-aaral sa kolehiyo.

Sa Pebrero 18, may plano ring gagawaran ako ng isang Honorary Doctorate Degree ng Southwestern University (SWU). Hindi ko minsan ma-imagine na natatamo ko ang mga ganitong parangal pero malaki rin ang aking pasasalamat sa lahat ng mga taong may pagmamahal sa akin at sa mga bagay na aking nagawa para sa bansa at sa sambayanang Pilipino.

Ayon sa report, ang Southwestern University ay ang tanging university sa buong Pilipinas na nagkakaloob ng degree sa physical education. Ang award, Doctor of Human Kinetics, Honoris Causa, ay dumaan daw sa isang masugid na pagsusuri at pag-review at inaprubahan na rin ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamumuno ng butihing chairman, Emmanuel Y. Angeles, na siya mismo ang magbibigay sa akin ng award.

Pagkatapos ng lahat ng ito, didiretso na ako sa Los Angeles, sa Wild Card gym ni coach Freddie Roach, upang simulan ang training at paghahanda sa laban sa unang linggo ng Marso.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.