Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Maligayang Pasko sa Lahat

PhilBoxing.com
Fri, 26 Dec 2008



LOS ANGELES -- Isang maligayang Pasko ang aking ipinahahatid sa inyong lahat at sana, madama ninyong lahat ang tunay na diwa ng Kapaskuhan at sana, kayo pong lahat ay nasa mabuting kalagayan ng pag-iisip, pangangatawan at higit sa lahat, sa ispirutwal na aspeto ng buhay.

Kararating ko lang po, kasama ang tatlo kong mga anak, upang ditto ipagdiwang ang Kapaskuhan, sa piling ang aking asawang si Jinkee.

Matapos ang aking laban noong Disyembre 6, umuwi ako sa Pilipinas upang kasama kong mag-celebrate ang aking mga kababayan na hanggang ngayon ay tuwang-tuwa pa rin matapos nating manalo kontra sa Golden Boy ng boxing, si Oscar Dela Hoya. Kasabay din nito ang padiriwang ng aking ika-30 kaarawan noong isang linggo na kumumpleto ng kasiyahan ng isang bansang naghahangad ng isang malaki at magandang balita.

Sa aking pagbabalik ditto, ako, at ng aking tatlong anak ay hihintayin ang pagsisilang ni Jinkee sa aming ikaapat na anak, na isa ring babae.

Masaya po ang pasko ngayong taon na ito dahil bukod sa tagumpay natin laban sa Goliath ng boksing na si Dela Hoya, nakuha rin natin ang dalawa pang sinturon ng World Boxing Council na magkaibang timbang. Ito ang super-featherweight title ng Mexican na si Juan Manuel Marquez at ang lightweight championship belt ni Mexican-American na si David Diaz.

Masaya ako dahil nakapagbigay din ako ng saya sa inyong lahat at tatlong beses ngayong taon na ito na tayong lahat at naging iisang bansa sa pagsigaw at pagpapangarap ng tagumpay.

Kahit minsan man lang, nagkabuklod-buklod ang pamilya, ang mga magkakaibigan, at kahit na ang mga magkakaaway. Sa isang pagkakataon, nawala ang traffic sa EDSA, tumigil ang putukan sa mga hanay ng kampo ng mga magkakasalungat na idolohiya. Pati ang krimen ay tumigil dahil halos lahat ay nanonood ng aking laban at halos lahat ay sabay-sabay nananalangin para sa ikapapanalo nating lahat bilang isang bansa, isang lipi, isang diwa.

Sa araw ng pasko, sana ay maunawaan ng lahat ang tunay na mensahe ng araw na ito, na ang pagsilang ni Kristo ay nagdudulot ng pag-asa, panibagong buhay at kaligtasan ng sanlibutan.

Alam kong naging mahirap din para sa pandaigdigang ekonomiya ang makabangon sa isang krisis kaya naman hindi natin maiiwasan na makaramdam ng kahirapan sa buhay. Hindi nangangahulugan na tayo ay dapat na malungkot dahil sa hirap ng buhay o sa kawalan ng mga biyaya. Mahalaga para sa atin na maintindihan ang kahalagahan ng araw na ito na dapat ay magdulot ng saya at pag-asa.

From my family to yours, may you have a Blessed Christmas.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.