Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


MASAYANG TRAINING CAMP

PhilBoxing.com
Sun, 23 Nov 2008




LOS ANGELES -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan at mga tagapagsubaybay ng kolum na ito.

Halos dalawang linggo na lang ang nalalabi bago namin simulan at wakasan ang "Dream Match," ang pinakamalaking laban ng boksing sa taong ito na kabibilangan ni Oscar Dela Hoya at ng inyong abang lingkod. Tandaan ang petsa, Disyembre 6, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Para sa hindi makakadalo, mapapanood ang laban sa pay-per-view channel at inaasahang malalampasan namin sa pamamagitan ng laban na ito, ang mga pay-per-view records ng nagdaang mga taon. Iyan ay sa kadahilanang itinuturing kaming dalawa ni Dela Hoya bilang mga hari ng per-per-view.

Pagkatapos ng sparring bukas, araw ng Sabado, (sinusulat ko ang kolum na ito sa araw ng Biyernes) ako po ay nakapag-spar na ng 131 rounds laban sa mas malalaki at matatangkad na kalaban upang paghandaan ang alamat at ang tinaguriang Golden Boy ng boksing, si Dela Hoya.

Iyan ay sa kadahilanang ako ay magi-spar ng 12 rounds bukas kontra sa tatlong magkakaibang kalaban. Sa ngayon, ang training camp namin ay masaya at kuntento naman si coach Freddie Roach sa aking ipinamamalas sa training at kasama na rin ang iba pang Team Pacquiao members.

Tuloy pa rin ang pagkuha ng HBO sa aking bawat kilos at sinusundan nila ang lahat ng nagaganap sa training. Napag-isip ko nga na magsagawa ng isang pagsubok para sa aking mga kasama sa training na kinabibilangan ng 28 katao. Simple lang ang rules: Ang bawat taong makakapagbawas ng 10 pounds hanggang sa November 30 ay mabibigyan ng malaki-laking premyo.

Nakakatuwa naman dahil ngayon, nakikita, nadarama at nararanasan ng aking mga kasambahay at mga kaibigan kung gaano kahirap kumuha ng timbang, gaya ng ilan sa aking mga nagdaang mga laban.

Kasama sila Buboy Fernandez, Nonoy Neri, Eric Brown, Alex Ariza at iba pang mga training members ko, maganda rin na ipakita ng lahat na malulusog sila at makakasabay sa pag-exercise sa umaga.

Pero sa labang ito, tanging si Dela Hoya lang ang sa tingin ko ay mahihirapan o magpapakahirap na kumuha ng timbang dahil matagal na hindi na siya lumalaban sa 147 pounds na timbang. Ang pinakahuling pagkakataon ay sa taon pang Marso 24, 2001 kung saan tinalo niya si Arturo Gatti. Una kong nakitang lumaban si Dela Hoya kontra kay Javier Castillejo noong June 23, 2001 sa bagong timbang na 154 pounds. Iyong araw ding iyon ang una kong laban sa Estados Unidos at makasaysayan ito dahil dito ko tinalo si Lehlo Ledwaba ng Africa para sa aking ikalawang world title sa magkaibang weight division.

Konting tiyaga pa. Konting pagpapagod at pagpaparusa sa sarili pa ang kailangan. Maraming dasal pa ang ating kailangan. Sana po, tulungan ninyo ako para lahat tayo ay magwagi sa huli.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com





Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.