Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


HBO, ANG MUNDO, NAKATUTOK 24/7

PhilBoxing.com
Sun, 16 Nov 2008




LOS ANGELES, CA?Lights, camera, action!

Kumusta po kayong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na kasalukuyang abalang-abala sa paghahanda sa pinakamalaking laban ng taon, ang "Dream Match" na pangungunahan namin ng American-Mexican na si Oscar "The Golden Boy" Dela Hoya.

Palapit na nang palapit ang takdang panahon at pagkatapos ng linggong ito ay tatlong Sabado na lang ang hihintayin at magbabakbakan na kami ni Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas Nevada.

Hindi po pala biro na maging pangunahing tagapagpaganap sa isa sa pinaka-aabangang laban sa taong ito. Sa aking pagtanto, ang sagupaan namin ay isa rin sa mga nakakaintriga at pag-uusapang laban sa kasaysayan ng boksing dahil sa pagtatapat ng dalawa sa pinakamalaking pangalan sa sport.

Dahil na rin sa aking pagiging No. 1 sa listahan ng pound-for-pound ng mga pinakamagaling na boksingero sa mundo at sa pagiging No. 1 ni Dela Hoya sa box-office at ang kaniyang pagiging dating kampeon sa maraming weight classes, ang maipanalo ang laban na ito ay lubhang mahalaga para sa aming dalawa.

Nakuha po nating iuwi ang World Boxing Council (WBC) 130 pounds at 135 pounds titulo ngayong taon na ito at wala nang kasing-importante para sa akin na maipanalo ang labang ito. Bukod sa ako ang papasok sa laban na maliit at hindi paborito ng nakararami dahil na rin ang paglalabanan namin ay sa timbang na 147 pounds, marami ang naniniwala na kaya nating gumawa ng isang malaking surpresa.

Simula noong isang buwan at mula noong Nobyemre 4, isang HBO crew ng mga cameraman, director at mga dalubhasa sa sining ng telebisyon at film ang tumututok sa aking bawat galaw, kilos at ginagawa. Bukod diyan, dagsaan ang mga mediamen sa paghingi ng interview at mga larawan upang mailathala at maibalita ang lahat ng mga nagaganap sa training.

Minsan noong bata ako, halos walang pumapansin sa akin at sa aming pamilya dahil kami ay mga maralita lamang na nakatira sa isang sulok ng Pilipinas na hindi masyadong nabibigyan-pansin at nabibiyayaan. Halos walang nakakakilala sa amin at walang magmamalasakit kung may masama man o malubhang mangyayari sa akin o sa aking pamilya. Ngayon po, mayroon pang nakatutok na camera sa akin na sumasabay sa aking pagkain, pagsipilyo sa umaga, sa pagtakbo sa Griffith Park at sa pagsasanay sa Wild Card gym, isang bagay na hindi ko lubos maisip na mangyayari sa aking buhay.

At sa Nobyembre 16, ang HBO, na siya ring magpapalabas sa aming laban sa pamamagitan ng pay-per-view sa Dec. 6, ay magsisimulang magpakita ng kanilang Emmy award-winning show na "24/7" na katatampukan naming dalawa ni Dela Hoya.
Sana po ay panoorin ninyo ang aming palabas na ipapakita sa buong America at ituloy pa rin natin ang pagpapanalangin para sa ikapagpapanalo natin bilang iisang bansa.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.