Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


"YES, WE CAN!"

PhilBoxing.com
Thu, 06 Nov 2008


United States President-Elect Barrack Obama.

LOS ANGELES -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana kayong lahat ay nasa magandang kalagayan ng pag-iisip at pangangatawan. Gaya ng inyong abang lingkod, maayos po lahat ang aking pakiramdam at ibinubuhos ko ang lahat upang paghandaan ang pinakamalaking laban ng aking buhay.

Bago ang lahat, bumabati ako sa ika-44 na presidente ng United States of America na si Barrack Obama. Sa araw ng Martes, narinig ko at napanood ang speech ni Obama at nadama ko ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kanya.

Makailang-beses ko ring narinig ang mga katagang, "Yes, We Can," na kanyang binanggit at binitawan sa harap ng libu-libong katao sa Chicago. Nakakaantig-damdamin din ang sigaw ng lahat, na nagbigay ng kanilang suporta sa bagong-halal na presidente ng pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo.

Malaking pagsubok ito para kay Obama, ang kauna-unahang itim na presidente ng America. Naniniwala ako na kakayanin niyang maiangat ang antas ng pamumuhay mula sa kinalalagyan ng bansa ngayon. Gaya ng aking palaging inuulit na kasabihan, "With great power comes great responsibility." Good luck and more power to you, Mr. President.

Nakapagtala na ako ng kabuuang 53 rounds sa sparring pagkatapos ang pitong rounds ng pakikipaglaban sa mga mas matangkad at malalaking sparring partners kahapon sa Wild Card Gym ni Coach Freddie, araw ng Martes. Mahigit pa man sa isang buwan bago kami magtuos ng American-Mexican na si Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, marami pa akong sakripisyong dapat na tapusin at isagawa upang magwagi.

"Yes, we can!" Iyan din ang aming sigaw, kasama ng aking team na tumututok sa aking pang-araw-araw na kilos. Naniniwala ako na sa tulong ng Poong Maykapal, tiyaga, maraming pagsasakripisyo at dugo, tatanghaling kampeon tayong lahat sa ibabaw ng entablado ng pandaigdigang sports.

Sa pagdating ng mga susunod na araw, madaragdagan pa ang bilang ng aking rounds sa sparring at sa ngayon, may apat na boksingero na maghahalinhinan upang sanayin at hasain ako sa pakikipaglaban.

Para sa laban na ito, tinitiis ko ang sakit, pagod at hirap. Sa buong buhay ko at sa buong 13 at kalahating taon kong nagboboksing, ngayon lang ako nakaranas at naghanda ng ganitong katindi at kaseryoso. Alam ko na kahit na gaano kaliit ako, mayroon pa rin akong magandang tsansa na manalo kontra sa Golden Boy ng boxing. Tama ang sabi ni Obama. "Yes, we can!"
Sana po ay tuluyan pa rin ninyo akong suportahan. Sana ay ipagpatuloy pa rin nating lahat ang pagpapanalangin sa isa't-isa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at
href="mailto:mannypacquiao@abante-tonite.com">mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.