Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


WALANG MISMATCH NA MAGAGANAP

PhilBoxing.com
Sun, 12 Oct 2008




LOS ANGELES, CA -- Kumusta po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Walong linggo na lang po ang nalalabi bago namin bigyang-wakas ni Oscar Dela Hoya ang pinakamalaking laban sa sport ng boksing sa taong ito. Sa December 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, magaganap ang pinakamalaking laban ng aking career at ako po ay super-excited na.

I feel good and training camp has been running smoothly so far. Everyone in my team is inspired and everything is turning out well. Masaya si coach Freddie Roach sa nakikita niya at kahit na isang linggo pa lamang ang nabubuo naming deretso sa training, sa tingin ko ay magiging mabuti ang paghahanda natin laban kay Dela Hoya.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking career, hindi po ako magda-diet o magpapapayat upang makuha ko ang timbang na 147 pounds sa araw ng laban. Mabilis po akong pumapayat sa ensayo kaya naman panay-panay ang aking pagkain upang hindi naman tayo madedehado sa timbang kontra sa mas matangkad at mas malaking si Dela Hoya, ang tinaguriang Golden Boy ng boxing.

Huwag po kayong mababahala dahil hindi naman ako magpapalaki ng husto ng katawan dahil ayaw kong mawala ang isa sa mga bentahe natin sa laban, at iyan ay ang aking bilis. Sa gym ni coach Freddie kung saan talagang ipinagbabawal na muna ang pagdalo ng mga fans at kahit na mga kaibigan ko, pinaghahandaan namin ang mga bagong techniques upang hindi magamit ni Dela Hoya ang kaniyang mga pisikal na kalamangan sa akin at hindi tayo mahulog sa kung ano mang mga patibong na pwedeng gawin ng kabilang koponan.

Masaya ang training camp at pati si coach Freddie ay gumagawa ng mga bagong bagay na hindi pa namin nagagawa mula nang magsimula kaming magkasama may pitong taon na ang nakakaraan.

I am very happy that coach Freddie has pointed out to me Oscar Dela Hoya's strengths and weaknesses and in just one week, we are already trying to perfect a fighting system that we will use against this legendary fighter.

Of course, hindi ko po pwedeng isulat dito kung ano ang mga plano namin para talunin si Dela Hoya. I am really confident that our chances of winning gets revealed to me easy and already analyzed. Iyan ay dahil sa minsan ay si coach Freddie ang nag-train kay Dela Hoya kaya kabisado na niya ang mga kalakasan at kahinaan ng aking kalaban. Kahit na gayunpaman, marami pa pong trabaho ang ating dapat gawin at hindi basta-basta itong laban na ito. Bawat araw ay magiging pagsubok para sa akin at alam ko po kung gaano kalaki ang nakataya dito. Kaya naman, inspirado akong ipakita sa lahat na walang mismatch na magaganap sa laban na ito at bagkus ay naniniwala ako na malaki ang ating tsansa na manalo.

Sana ipagpatuloy pa rin ninyo ang pagsuporta sa akin at sama-sama tayong magdasal para sa ating pagtagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. May God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.