|
|
|
MP Promotions: Magandang Bukas Para sa Boxing PhilBoxing.com Thu, 25 Sep 2008 SAN DIEGO, CA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Bumabati ako sa inyo galing pa sa San Diego, California kung saan gaganapin ang unang boxing promotion ng MP Promotions sa United States. Opo, pagkatapos kong lumapag sa Los Angeles Airport Martes ng gabi at kumain ng hapunan sa aking apartment sa Los Angeles, dumeretso na kami papunta dito sa siyudad ng San Diego sa hilagang bahagi ng California, sa Sycuan Resort sa El Cajon. Ang MP Promotions ay aking itinayo upang maitaguyod ko ang sport ng boxing. Ang sport na ito ay naging mabait sa akin at sa aking pamilya dahil dito nagmula ang lahat ng mga biyaya na aking natanggap hanggang sa ngayon. Bilang pagpapasalamat sa mga taong mahihilig sa sport na ito, nais kong maibalik sa publiko ang saya at tuwa ng paghahandog ng mga maaayos na laban. Siyempre, gusto ko talagang makatulong sa aking mga kababayang boksingero na gustong maabot din ang rurok ng tagumpay na aking unti-unting naabot dulot na rin ng aking tiyaga at matinding sakripisyo. Naniniwala ako, na sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pintuan para sa mga sumisibol na talentong Pilipino, malayo ang ating mararating sa entablado ng international boxing. Sa panimulang handog, kasama ko ang Sycuan Band of the Kumeyaay Nation, na silang nagpapatakbo ng Sycuan Casino Resort and Spa, na tumulong sa amin upang maitaguyod ang unang handog na ito. Bukas, makikilala ko ang mga pinuno ng organisasyon na ito upang lalo pang mapaganda ang nasimulan nang mabuting relasyon ng aking promotional company at ng kanilang samahan. I know that the Sycuan name has been very active in the sport of boxing and I am very pleased to work with their organization. I know we can do many other projects in the near future and I personally thank them for this initial project's success, even though the fight card is still two days away. Dahil sa gabi na nang makarating kami dito, bukas ko pa lang masisilayan ang ganda ng resort na ito na may spa at magandang golf course. Dahil sa napahilig na rin ako sa sport na golf, tiyak na mag-eenjoy din ako rito, kasabay na rin sa trabaho ng pag-promote sa fight card. Sa unang pagtatanghal, masisilayan ng mga fans ang laban ni Bernabe Concepcion, na sa tingin ko ay may malaking potential na maging isang world champion sa lalong madaling panahon. Dahil nakikinig si Bernabe sa aking mga payo kung paano maging isang kampeon, binubuhos ko ang aking suporta sa kanyang career. Kasama rin sa undercard si Dennis Laurente, ang junior welterweight na mandirigma na sa aking palagay din ay may malaking potential. Isa pa ay si Mercito Gesta na akin ding tinutulungan. Marami pang mga magagaling na boxers ang darating dito sa America kaya sana ay abangan ninyo sila at suportahan. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |