|
|
|
I LOVE MEXICO, TOO PhilBoxing.com Thu, 21 Aug 2008 GENERAL SANTOS CITY ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa maganda kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa anumang sulok ng mundo. Sa paggising ko ngayong umaga, nakahanda na ang mga gamit ko sa araw na ito dahil itinutuloy ko ang aking pag-aaral sa college, kung saan ako ay kumukuha ng Business Management course sa Notre Dame of Dadiangas University. Ibinubuhos ko na sa mga panahong ito ang pagtatapos ng aking mga leksiyon dahil sa isang buwan, baka maging abala naman ako sa training kaya nilulubus-lubos ko na ang pag-aaral. Kung minsan sa umaga, kailangan kong mag-check ng email at nagbabasa rin ako ng mga balitang online sa aking laptop kung may extra na panahon pa ako. May nagpadala sa akin ng isang story na isinulat ng isang Mexican writer galing pa sa isang Mexican boxing website. Ayon sa article ni Hessiquio Balderas ng www.boxeomundial.net, kahit daw mga bata sa Mexico ay para na ring mga bata dito sa Pilipinas. Nakakatuwa at nakakataba ng puso na malaman ang tunay na pulso ng boksing sa ibang bansa, lalung-lalo na sa Mexico, kung saan ako sana ay dapat na Public Enemy No. 1. Opo, maraming mga Mexicans ang nagsasabi at nakapagsabi na sa akin na ginigiliw at minamahal daw nila ang inyong abang-lingkod dahil sa aking kagitingan, tapang at fighting style sa ibabaw ng ring. Matagal ko nang narinig ang mga balitang ganito pero ngayon lang, mula nang mabasa ko iyong article na, "The Mexican Point of View" ni Ginoong Balderas, saka ko pa lang nadama ang epekto ng aking mga tagumpay sa boxing. Ayon sa article, pati raw iyong mga sumisibol na boxers na gaya nila Juan Antonio Martinez ay may alias na "El Pacquiao." Mas kilala daw ako sa Mexico kaysa sa dating lightweight champion na si David Diaz, na ipinanganak na sa US kahit na tubong Mexico ang kaniyang mga magulang. If the article is the true pulse of boxing in the streets of Mexico, I would like to thank the Mexican people for their warmth and support. As a fighter, I have beaten Mexicans through most of my career but I would like to point out that there is nothing personal with any of my previous opponents ? Marco Antonio "Baby Faced Assasin" Barrera, Juan Manuel "Dinamita" Marquez, Erik "El Terrible" Morales, Oscar "Chololo" Larios, Hector Velazquez, Jorge Solis among many others. It is just my job to fight and fight well. It is just that the best fighters in my division happen to be Mexicans and I just happen to be lucky to win everytime. It is probably because I fight like a Mexican?brave gallant, courageous, never running away ? that's why Mexicans love me. Gaya rin dito sa General Santos, nakikita ko sa umaga na marami nang mga bata ang nagdya-jogging sa oval plaza kung saan ako tumatakbo noong nagsisimula pa ako. Marami ang nagsasabi na ginagaya nila ako at gusto nilang maging katulad ko. Diyan, nalulugod po ako ng lubos. Thank you to all the boxing fans around the world. Viva Mexico, too. With the popularity that I am enjoying even in all of the streets of Mexico, I promise my fans that I will continue to fight like the true Mexican warriors ? Chavez, Lopez, even Dela Hoya. Yes, I would still want to fight Dela Hoya in his last fight if our promoters get the right and justifiable deals for both of us. I hope the deal goes well. Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |