Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


DISIPLINA ANG KAILANGAN

PhilBoxing.com
Thu, 14 Aug 2008




GENERAL SANTOS CITY - - Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Matapos akong magbalik galing ng People's Republic of China upang manood at dumalo sa opening ceremonies ng Olympics, maraming mga bagay ang aking natutunan at naranasan sa apat na araw na aking ipinamalagi doon.

Nagulat ako sa aking nakita, dahil masyado na palang maunlad ang bansang ito. Sobrang laki at taas ng mga gusali, maraming mga industria, abala ang mga tao at matao kahit saan ka pumunta. Hindi ko lubos maisip kung gaano kalaki ang bansang ito at gaano karami ang 1.3 bilyon na katao at kung gaano karami ang kinakain ng ganoong karaming mamamayan sa bawat araw.

Maayos lahat ang kilos namin at marami rin kaming ginawang mga proyekto para sa mga kapwa Filipino na nagtatrabaho dito. Kasama si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang mga congressman at mga mayors, masasabi kong tagumpay ang lakad na ito na nagsimula sa aking paghahawak ng Philippine flag.

Pero hindi lang official business ang aking ginawa rito. Ako rin ay nakarating sa mga magagandang tanawin sa bansang ito. Sa pamamasyal namin sa Great Wall of China, ako ay namangha sa teknolohiya at kakayahan ng mga Intsik na gumawa ng matitibay at matatag na bakod na ito daan-daang taon na ang nagdaan.

At gaya na rin siguro ng sikreto ng China sa pag-unlad, simple lang ang susi ng karangyaan at tagumpay nila. Nakita ko sa China ang disiplina ng mga tao, ang tiyaga at dediskasyon nila sa pagbuo ng kanilang bansa. Gaya na rin sa anumang sports, ang disiplina ang isa sa pinakamataas na sangkap ng pagwawagi ng isang indibidwal at lipunan.

Nakita ko sa China na sumusunod ang mga tao sa maraming batas, kasama na rin ang kanilang matinding paggunita sa kanilang tradisyon at kultura na hindi halos nagbago sa libu-libong taon. Gusto ko mang tumagal pa rito, kinailangan ko na ring bumalik sa Pilipinas dahil marami pa rin akong dapat asikasuhin.

Oo nga pala, habang sinusulat ko itong kolum na ito, nakatakdang lumaban ang kaisa-isang Filipino boxer na nag-qualify sa Olympics?si Harry Tanamor. Sana, tuluy-tuloy ang panalo ng ating kababayan at sana, isama natin sa ating mga panalangin ang lahat ng Pinoy na nakalahok sa Olympics.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: The great wall of China.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.