Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


TAMANG DESISYON

PhilBoxing.com
Fri, 01 Aug 2008




LAS VEGAS ?- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang panig ng mundo.

Kalalapag lang po namin sa Las Vegas ng Miyerkules ng hapon dito at sobrang init ang bumungad sa amin dahil summer na po dito. Kasama ko ang aking pamilya at ilan sa aking mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan upang magbakasyon kasabay na rin ang pakikipag-negosasyon para sa mga nalalapit na mga plano sa aking boxing career.

Kasabay ko ang aking butihing maybahay na si Jinkee at ang aking mga anak na sila Jimuel, Michael at Princess at ang aking attorney, si Jeng Gacal, galing sa Los Angeles. Dumating kami galing sa Manila nang Lunes ng gabi.

Kahit na medyo magaan ang schedule namin, idi-discuss din namin ang mga importanteng bagay na patungkol sa aking susunod na laban kaharap ang aking promoter na si Bob Arum ng Top Rank Inc.

Kung matutuloy ba ang laban namin ni Oscar Dela Hoya, iyan ang isa sa mga mahahalagang bagay na pagtutuunan ng pansin ng aming grupo, kasama na rin si Eric Pineda. Maya-maya kami magkikita at sasabihin ko ang kung ano ang nasa puso at isipan ko.

Hindi simple ang pag-uusapan sa linggo na ito dahil dito nakasalalay ang malaking bahagi ng aking future sa boksing. Kailangan, tama ang mga desisyon na aming gagawin lalung-lalo na kung makakalaban at matutuloy ang sagupaan laban kay Ginoong Dela Hoya.

Sa totoo lang, marami ang nagsasabi na malaki talaga masyado sa laban si Oscar, ang "Golden Boy" ng boxing. He is bigger, taller, heftier and has a longer reach. I have been thinking about fighting him and I think there is a quite a good chance of beating him.

I have talked to several of my closest friends and many of them have mixed opinions and feelings regarding this fight, if I have to accept or pose the challenge to Dela Hoya.

Hindi na po ako bumabata at gusto kong makuha ang ilan sa mga pinakamalalaking laban na siyang magtatala sa aking alamat bilang isang boxer. I like challenges and I know we will be the big underdog in this fight.

When I will get a chance to meet up with my promoter, I will set the conditions by which the fight must go through including weight limits, purses and other important matters.

Sa aking pag-iisip, kailangan kong maabot ang pinakamagandang kondisyon ng aking career at dalawa't-kalahating buwan ang aking guguguling panahon para sa paghahanda gaya ng paghahanda ko kay Marco Antonio Barrera noong 2003. Sa awa ng Panginoon, sa tingin ko, magwawagi pa rin tayo sa huli. Hindi ako nakakalimot na magdasal, makiusap, magtanong at manalangin sa Kanya.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.