|
|
|
ANG SUSUNOD NA KABANATA PhilBoxing.com Thu, 24 Jul 2008 MANILA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod. Marahil ay napapasali na rin kayo sa guessing game na kung sino ang aking susunod na makakalaban at kung matutuloy ba ang laban namin ni Oscar Dela Hoya sa Disyembre o sa Nobyembre. Alam kong matunog na matunog na ang mga bali-balita na kung mangyayari ba ang labanan namin ng Golden Boy ng boxing at alam kong marami ang sumusubaybay dito, kasama na rin ang lahat ng media sa buong mundo. Sa ngayon po, wala pang final na decision sa aming laban dahil hindi pa nagkakasundo at nagkakaharap ng pormal ang mga taong dapat na gumawa ng decision sa laban. Lubos akong nagtitiwala sa aking promoter, ang Top Rank Promotions sa pangunguna ni Ginoong Bob Arum, na maibibigay niya sa akin ang pinakamabuting laban at kasunduan para sa aking susunod na laban. Basta magkakasundo sa tamang mga kondisyon at mga batayan, sa tingin ko, hindi imposible na magkakaharap kami ng boxer na minsan ay inidolo ko, si Oscar Dela Hoya. Opo, minsan ay nasabi ko sa kanya na humahanga ako sa kaniyang mga nagawa sa ring bilang isang boxer at businessman. Pero gaya na rin ng aking palaging sinasabi, ako po ay isang boxer at trabaho ko po ang maghanda, lumaban at mag-train para sa susunod na mga laban. Totoo na nasa akin ang huling desisyon at pirma para matuloy ang isang laban, marami rin akong mga taong pinagkakatiwalaaan upang matuloy ang isang match. I fully trust Coach Freddie when he says we have a good chance of beating Oscar Dela Hoya. Despite his size, reach and other advantages, I believe we have a fair chance, too, in winning if we finally decide on which weight division are we fighting. Aside from Mr. Arum, I also have my family and other important people in my team to give me added information why or why not we should push through with a fight with Mr. Dela Hoya. Kapag nagkasundo-sundo ang lahat, nasa akin ang final na pasya at kadalasan, natutuloy ang laban dahil na rin saw ala naman akong inuurungan at kinakatakutang boxer. Kaya po sa Huwebes, tutungo kami ng aking pamilya kasama ang aking asawa at mga anak, upang magbakasyon at kasama na rin ang makipag-usap sa aking promoter para sa mga susunod na plano. Naniniwala ako na sa mataimtim na panalangin sa Panginoong Diyos, matatamo natin ang tamang desisyon at kapalaran sa mga susunod na mga araw. Alam ko na Siya ang magbibigay sa akin ng linaw ng pag-iisip at mga tamang desisyon sa mga ganitong pagkakataon. Sa ngayon, ang tangi nating dapat gawin ay ang maghintay at mag-enjoy kasama ng aking pamilya, lalung-lalo na ang aking mga anak na palaging kasama sa pagsasakripisyo sa bawat laban, dahil sila ang palaging naiiwan sa Pilipinas habang ako ay nagte-train ng mahigit sa dalawang buwan, kadalasan. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |