Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Salamat sa inyo, No. 1 Pound-for-Pound Tayo

PhilBoxing.com
Sun, 15 Jun 2008

LOS ANGELES, CA -- Magandang araw po sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga tagahanga ng boksing sa buong mundo.

Sumapit na po ang isa sa pinakamahirap na yugto ng training at iyon ay ang pag-spar namin ng 12 rounds simula noong Huwebes. Sa araw ng Sabado, sa umaga, ako ay magi-spar ulit ng 12 pang rounds para kumpletuhin ang paghahanda laban kay David Diaz, ang kampeon ng 135 pounds division (lightweight) ng World Boxing Council.

Dalawang linggo na lang at bakbakan na. Sa Hunyo 28, susubukan ulit natin na makamit ang korona sa lightweight division sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas. Pagkatapos ng huling sparring ng 12 rounds, pababa na ang bilang ng sparring rounds at isa pang linggo ang daraan, tatahak na rin kami papuntang Las Vegas, kasama ng aking pamilya at mga Team members.
So far so good. Kahit na mahirap at maraming dapat asikasuhin, kailangan ding tapusin at gampanan dahil iyan ay kasama sa natatamasa nating tagumpay.

Palagi ko ngang binibiro si Tatay Ben Delgado, isa sa aking mga unang trainers at kasama ko noong napanalunan namin ang International Boxing Federation super-bantamweight crown kontra kay Lehlo Ledwaba. Sabi ko, "Uncle Ben, Uncle Ben, Great power comes great responsibility." Kahit na si Buboy Fernandez na at Freddie Roach ang mga chief trainers, kasama ko pa rin si Tatay Ben sa bawat laban ko.

Siyempre, iyan ay hango na rin sa pelikulang Spider Man kung saan sinabi ni Toby McGuire (Peter Parker) sa kanyang Uncle Ben ang mga katagang iyon. Sa totoo lang po, mahirap din talagang gampanan ang maraming responsibilidad ng isang pagiging tanyag na atleta at boksingero.

Salamat nga po pala sa mga iba't ibang boxing writers at kasama na diyan ang Ring Magazine, na kinukonsiderang biblia ng sport na boxing. Marahil ay alam na po ninyo na ako na raw ang Pound-for-pound No. 1 boxer sa mundo.

It is with great pride and honor, in behalf of my family, that I receive this award from the people who are in the boxing business. Without them, there is no Manny Pacquiao, without the fans, there is not much inspiration for boxers like me to train harder and give more exciting fights.

I know my responsibility to the sport is to maintain a high level of competitiveness and to be its Ambassador of Goodwill wherever I go and whatever I do, especially on top of the ring. These awards, especially the No. 1 Pound-for-pound title, make me strive to work harder each day and elevate my game to another level. I also intend to keep the No. 1 Pound-for-pound Most Exciting Fighter title as well.

Para sa sambayanang Pilipino itong parangal na ito dahil sila ang walang-sawang sumusubaybay sa akin, walang puknat na nagdarasal sa ikatatagumpay ko. Para sa aking asawa at mga anak ito, na kasama ko ring nagsasakripisyo dahil madalas, wala ako sa bahay dahil naghahanda ako para sa laban palagi. Pinoy, kayo ang No. 1, pound-for-pound sa maraming mga aspeto ng buhay lalung lalo na sa sipag, tiyaga, talino at likas na abilidad.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. We will keep on fighting for each other. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.