Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


WINDY CITY WELCOME

PhilBoxing.com
Thu, 22 May 2008




CHICAGO, IL -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pangangatawan, isipan at sa ispiritwal na aspeto ng inyong buhay. Habang sinusulat ko itong kolum ko na ito, ako po ay nasa himpapawid, nakasakay sa isang eroplano papuntang Chicago, Illinois upang i-promote ang aking laban sa mismong lugar ng aking katunggali na si David Diaz.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating ako dito sa Chicago. Noong bata ako, ang alam ko lang ay ito ang lugar ng Chicago Bulls ni Michael Jordan. Masaya ako dahil may nakapagsabi sa akin na maraming mga Pilipino ang naghihintay dito upang tumbasan ang "homecourt" advantage ni Diaz.

Si Diaz ay ipinanganak dito sa Chicago sa pamilya na tubong Mexico. Mataas ang respeto ko sa kanya dahil isa siyang kampeon at mabait na tao sa labas ng ring. Pero siyempre, pareho lang kaming mandirigma sa itaas ng ring at siguradong matindi ang aming bakbakan sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas.

Nalaman ko mula sa piloto na halos anim na states ang binagtas namin mula sa Burbank airport sa California at mga halos 2,000 miles ang layo. (Paglapag namin, napansin ko na mas malamig ngayon dito kaysa sa Los Angeles.)

Pero bago kami lumipad noong gabi ng Martes, nag-spar muna ako sa hapon. Inumpisahan ko nang mag-spar at naka-limang rounds ako kontra dalawang kaliwete, kapwa magagaling at kapwa hawig ang style kay Diaz.

Matagal na rin na ako ay nakalaban ng isang kaliwete, ang huli ay laban kay Fahsan Rakkiatgym 3K Battery noong December 11, 2004. Bago iyon, si Wethya Sakmuangklang, isa ring Thai, ay nakasagupa ko noong April 28, 2001.

Sa sparring, nakaharap ko si Steve Quinonez, isang beterano. Ayon sa aking researcher, si Quinonez ay 37 taong gulang. Marami-rami na ring mga matitibay na boksingero ang nakaharap nitong ka-spar ko gaya nina Steve Forbes, Lovemore N'dou, Jose Luis Castillo, Stevie Johnston at ang yumaong si Diego Corrales. Tatlong round ang sparring namin ni Quinonez at mukhang seryoso siya sa kaniyang comeback.

Sumunod naman si Gary McMillan, tubong Scotland at isang matangkad na welterweight na may record na 4-1-1. Ipinanganak sa Edinburgh, Scotland si McMillan at matangkad siya sa akin. Mahaba rin ang kaniyang reach pero sanay na ako na makaharap ang ganitong mga kalaban. Maganda na masanay ako sa ganitong katunggali.

Malaki ang adjustment ng pakikipaglaban sa isang kapwa kaliwete. Ang huling kaliwete na naka-spar ko ay si Victor Ortiz nang nagsasanay ako laban kay Erik Morales, sa ikalawa ng tatlong pagkakataon naming pagkakaharap.

So far, so good. I feel fine and I think we are right on target with my training and conditioning. With God's help, we will soon be ready to overcome the challenge and we will emerge victorious. Bukas, makikita ko na rin ang mga boxing fans ng Chicago, tinaguriang Windy City. Excited na ako.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.