Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Handa Na Po Ako

PhilBoxing.com
Thu, 13 Mar 2008



LAS VEGAS ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, malusog sa pangangatawan at pag-iisip.

I am truly amazed how time flies. It seems it was just yesterday when we started training for Saturday?s fight (Sunday in Manila ) more than two months ago. Ilang tulugan na lang at bakbakan na. Excited na ako, let?s get it on!

Naibuhos ko na po ang lahat ng aking lakas, tiyaga at pawis upang paghandaan ang laban na ito at masasabi ko, handa na po ako. Maginhawa ang aking pakiramdam, maayos ang aking mental preparation at wala pong problema sa timbang.

Humigit-kumulang sa 140 rounds na ng sparring ang aking naitala para paghandaan ang lahat ng pwedeng ibato sa akin ni Juan Manuel Marquez. Matagal at mahaba ang preparasyon namin ni Coach Freddie, Buboy, Nonoy at Eric Brown sa paghimay sa lahat ng kilos at maaaring ikilos ni Juan Manuel sa pangalawa naming paghaharap.

Marami ang nagsasabi na ako ang nanalo sa unang laban kung saan ay pinabagsak ko ang kalaban na Mexicano ng tatlong beses sa unang round pa lamang. May iba ring nagsasabi na si Marquez ang nanalo. Kanya-kanyang opinion yan. Pero kung naitama lang ni judge Burt Clements ang score sa unang round na 10-6 at hindi 10-7, sana ay panalo ako sa kanyang scorecard, 13-112, at split decision sana ang tamang decision.

Hindi na po ako mamumuhay sa nagdaang kahapon dahil mukhang mas maganda pa ang ating hinaharap sa kinabukasan. Talagang ipinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang aking buhay at iiwasan ang anumang masama o ikakasama ng aking boxing career na gusto ko lalong pag-usbungin at mamukadkad sa mga susunod na taon. Napag-isip-isip ko, ilang taon na lang ang nalalabi sa aking career at hindi na rin ako bumabata sa idad na 29. I promised to myself and my family that I will gain back that fire in winning so that I can achieve more in life.

Itong susunod na tatlong araw, gaya ng sa lahat ng aking laban, pipilitin kong kunin ang timbang na 130 pounds at sa aking pakiramdam, nakuha ko na ang isa sa pinakamaganda kong kundisyon sa loob ng maraming taon.

Para sa mga pangkaraniwang tao, mahirap ang magpiga at kumuha ng timbang pero sa pakiramdam ko, sa tindi ng aking insayo at sa pansarili kong panata sa aking sarili at sa Diyos, hindi na mahirap ang pagtamo ng tagumpay. Iniaalay ko ang aking sarili para sa lahat ng aking kababayan at sana, sa pamamagitan ng isang panalo ko, magkakaisa ang lahat ng Filipino sa buong mundo, hindi lang sa ating bansa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon! God bless everyone.


Photo courtesy of Associated Press / Jae C. Hong.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.