Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'With Great Power Comes Great Responsibility'

PhilBoxing.com
Wed, 20 Feb 2008



LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat. I hope everyone is doing well.

Palagi ko pong binabanggit itong kasabihang ito: ?With great power comes great responsibility,? isang kasabihang nagpapahiwatig ng malaking pinapasan ng mga taong may malaking responsibilidad sa buhay.

Inilalagay ko ito palagi sa aking isipan dahil hindi ko pwedeng pabayaan na mahulog ako sa patibong ng pagsikat at kapangyarihan. Maraming mga tao ang minsan ay nalunod sa tawag ng pera at sa mga tuksong kasama nitong kaginhawaan sa buhay.

Naalala ko ito dahil sa mga nababasa at naririnig ko sa internet tungkol sa maliliit na bagay na hindi dapat pagtuunan ng pansin sa panahon na ito. Ito ay tungkol sa nawawalang pera na nasa bangko ko. Hindi naman ibig sabihin na dapat ay ipagwalang-bahala ko ang nangyari sa akin. Mahalaga para sa akin at sa aking pamilya na makamit ang hustisya dahil ang perang nawawala ay pinaghirapan ko rin at para sa kinabukasan ng aking mga mahal sa buhay.

Maraming mga tao ang hindi nakakaunawa na may mas malaking responsibilidad na nakatuon sa aking mga balikat at dapat nandito naka-focus ang buo kong oras at lakas.

Hindi ko dapat pabayaan ang paghahanda ko sa nalalapit kong laban sa March 15 kontra kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas . Maraming mga tao ang gustong mawala ako sa focus at concentration at sa kasamaang-palad, iyong mga kababayan ko pa ang gumagawa nito.

Noong isang linggo, isinulat ko sa column na ito ang isang request na sana , huwag na akong gambalain ng mga taong walang kinalaman sa kaso dahil ito ay isang pribadong bagay. Marami pa rin ang ?pasaway? na gustong makialam at kabilang na dito ay dalawang tao na hindi ko na rin babanggitin ang pangalan.

Wala akong ipinag-utos sa mga tao na ipaalam sa buong mundo o ipahiya ang mga nasasakdal sa kaso. Ako nga, hindi na nagbanggit ng mga pangalan dahil wala sa aking ugali na magtanim ng sama ng loob kahit kaninuman dahil ako?y isang tao lamang na nagkakasala rin.

Gayunpaman, sa mahinahon kong pakiusap sa aking mga kasama ay ginawa pa rin nila ang hindi ko gustong mangyari dahil katulad ng sinabi ko, naapektuhan ang kunsintrasyon ko o focus sa training at sa laban.

At higit sa lahat, gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na hindi porke?t may jacket kang Team Pacquiao ay pwede mo nang sabihing opisyal na miyembro o Team Pacquiao ka. At kahit na Team Pacquiao ka, hindi mo dapat ipagsabi na ikaw ay miyembro ng Team Pacquiao dahil nagagamit ang pangalan ko sa labas ng boxing. Isa ay nagsasabi na siya ang aking physical therapist at isa naman ay ?all around? helper. Sila ang kumontak sa mga kinatawan ng print at TV media na walang pahintulot sa akin, kahit na ginawa ko na ang dapat kong gawin gaya ng pag-report sa pulis at pakikiugnay sa mga kinatawan ng bangko.

Para naman sa mga iresponsableng miyembro ng media, na ang iba ay nagsulat na wala man lang pinanghahawakang mga opisyal na papeles at nagsulat lang dahil sa narinig nilang second-hand na impormasyon, sana ay tigilan na ninyo ang paglagay ng impormasyon na walang basehan. Hindi rin ako magpapaunlak na ma-interview ako dahil nasa kinaukulang kamay na ang kasong ito. Ibig sabihin, lahat ng mga impormasyon na lalabas sa media ay hindi official.

May isa pang journalist na nagpahiwatig na baka hindi ako ang nagsusulat ng column na ito, isang bagay na lubos kong kinaiinisan. Mababa po ba ang tingin ninyo sa aking kakayahan? Sa tingin ninyo, ako pa rin po ba iyong 16-year old na boxer na kinokober ninyo noon, iyong walang kamuwang-muwang sa mundo at hindi marunong gumamit ng laptop o magsulat? Naiintindihan ko na sa kabila ng aking pagsisikap at pagbibigay ng karangalan sa ating bansa at higit sa lahat ay kasiyahan sa mga kababayan ko, ay hindi lahat ay natutuwa. Bakit kaya ganito ang tao? Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa mga bagay na iyan.

Kung gusto po ninyo akong manalo sa laban na ito, sana ay magkaisa tayo, gaya ng kagustuhan kong magkaisa tayo bilang iisang bansa at iisang sambayanang Pilipino na mananalo sa itaas ng entablado at tanghaling World Champion sa kahit na anong larangan ng sports o sa larangan ng buhay.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon! Thank you and more power.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.