Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'Nananatili Tayong Naka-Focus Sa Pagkuha Ng Marami Pang Karangalan'

PhilBoxing.com
Sun, 17 Feb 2008



LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat! I hope everyone is doing well.

Habang sinusulat ko po itong column na ito, naigawad na kahapon ng Philippine Sportswriters Association ang prestihiyosong President?s Award upang i-recognize ulit ang mga karangalang aking nakamit nitong nagdaang taon.

Maraming salamat po ulit!

Natanggap ko po ang Athlete of the Year award noong 2002, 2003, 2004 at 2006 at ngayong taon, ang President?s Award naman. Masaya ko itong tinatanggap at kahit na wala ako upang personal na tanggapin ang award, lubos akong nasisiyahan sa mga sports writers na bumubuo ng PSA dahil sa pagbibigay sa akin nitong award.

Sa March 25, ako naman ay tatanggap din ng Gabriel ?Flash? Elorde Hall of Fame Award. Daghang salamat din po!

Kayo po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang lalo kong pag-ibayuhin ang paghahanda at pagkamit ng mas malalaking bagay sa mundo ng boxing. Kayo ang dahilan kung bakit si Manny Pacquiao ay nananatiling naka-focus sa pagkuha ng marami pang karangalan.

Kayo po ang dahilan upang ako ay tumanaw muli sa aking pinanggalingan at manatiling humble. Binabati ko ang mga kapwa atleta na nakakuha ng award, hindi lamang sila Nonito Donaire Jr. na kapwa ko boxer at Miguel Molina, isang swimmer.

Binabati ko at kino-congratulate din ang lahat ng mga atleta, iyong mga taong hindi man nakatanggap ng award pero nagsikap upang mahigitan ang kanilang kakayahan upang manalo. Sabi nga nila, hindi nasusukat ang tagumpay sa gintong natamo kundi sa pagbibigay at pagbubuhos ng 100 percent sa insayo at sa kumpetisyon.

Sa pagbibigay ng PSA sa akin ng award at sa pagsama nila sa akin sa entablado ng mga kapwa kampeon ng bansa, pinapangako kong ibubuhos ko ang lahat ng aking lakas upang bigyan kayo ng lubos na kaligayahan upang makopo ko ang titulo ng WBC super-featherweight division kontra Juan Manuel Marquez sa March 15.
Sa pamilya ni Flash Elorde, isa pong karangalan na makuha ko muli ang isang award. Inilagay nila ako sa Hall of Fame pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng aking career.

Anyway, I cherish this award like the first ones you gave me. I will strive to achieve more honors for the country like what Da Flash did in his time. I am inspired by his exploits and I still dream to match his achievements in the near future. More power po sa inyong lahat.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon! Mabuhay Tayong Lahat.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.