Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Patas na Judging

PhilBoxing.com
Thu, 24 Jan 2008



LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana, lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan.

Kasagsagan po ng insayo ko para sa laban natin kay Juan Manuel Marquez at malugod ko pong ibinabalita na maayos ang ating preparasyon para sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort Hotel sa Las Vegas.

Malusog po ang aking pangangatawan, malinaw ang pag-iisip at buo ang aking pananalig sa Poong Maykapal, mga bagay na hindi na sikreto sa inyong lahat kaya tayo umabot sa tuktok ng tagumpay sa pandaigdigang entablado ng boxing. So far, so good.

Matapos ang isang linggo ng paghahanda, hindi pa namin sinisimulan ang matinding bahagi ng training. Medyo magaan pa lamang ang pagpapa-kundisyon. Dapat lang dahil hindi dapat na ma-overtrain ang isang atleta. Iyan ang pinakahuling dapat na mangyari sa laban, iyong masobrahan ang training papunta sa March 15.

Alam ko pong matindi rin ang paghahanda ng ating kalaban kaya naman lahat ng bagay na ikasisiguro ng ating tagumpay ay ginagawa din namin kasama ng aking team at mga kaibigan dito sa L.A..

Sa araw ng laban, makakaasa kayo na nasa 100 percent ang aking kundisyon.

Mayroon nga lang mga nangyayaring hindi maganda sa larangan ng boxing, gaya ng hindi maayos na judging na siyang sumisira sa maraming sport. Naalala ko tuloy iyong walk-out ng RP boxing Team sa SEA Games dahil sa unfair judging. Ako rin po ay dumanas ng hindi tamang paghahatol, gaya ng unang laban namin ni Marquez noong 2004.

Naaalala ko ang mga nangyari noong araw na iyon hanggang sa ngayon. Naalala ko rin iyong tatlong judges na nagbigay ng hindi pare-parehong scores kaya umabot sa tabla ang laban.

Si Guy Jutras ng Canada, 71 taong gulang, ay pumabor kay Marquez, 115-110. Lahat ng rounds bukod sa unang round, ay naipanalo ni Marquez sa scorecard ni Jutras. Iyong si John Stewart naman ay umiskor ng 115-110 para sa akin. Iyong pangatlong judge, si Burt Clements, ay umamin na "nagkamali" siya sa kanyang 113-113 score. Si Harold Lederman ng HBO, 115-110 din ang score, ako ang panalo.

Naaalala ko iyong pag-amin ni Clements na lumabas sa mga pahayagan matapos ang laban namin noong sumunod na araw. Iniskoran niya ng 10-7 iyong unang round na kung saan pinabagsak ko ang Mexicanong kampeon ng tatlong beses. Dapat sana, ang score ay 10-6 para sa round 1. Kung tama sana o naitama ang score niya, ako sana ang tinanghal na kampeon at panalo sa laban. Ang score dapat ni Clements ay 114-113. Split decision!

Marami ang nagsasabi ng iba-ibang opinion. May naniniwala na tama na si Marquez ang nanalo. Marami rin ang nagsasabi na nadaya tayo. Ang sabi ko naman, ganyan talaga ang kapalaran. Masakit man minsan, kailangang tanggapin ang mga ganitong decision. Hindi ko natapos pabagsakin at i-knockout si Marquez dahil ako rin ay nagkaroon ng injury sa kaliwang kamay. Nagkapaltos pa ng malaki iyong talampakan ko…

Kaya po ngayon, puspusan ang ating paghahanda. Ayaw ko kasing may dahilan pa. May the best man win, sabi nga nila.

Sana nga lang, iyong mapipiling mga judges at referee ay maging patas, sana, lubos ang kanilang experience at training. Sana, hindi na maulit iyong malaking kahihiyan ng maling scoring. Doon po sa kopya ng kanilang scorecards, sila Jutras, Clements at Stewart ay nagkapare-pareho lamang sa limang pagkakataon sa loob ng 12 rounds, isang bagay na sa college o sa anumang paaralan ay siguradong bagsak, hindi pasado. "Five out of 12 correct rounds" is a failure for the three judges.

Sana po, medyo mabibilis pa rin ang mga mata ng mga mapipiling judges para sa laban na ito dahil sigurado ako, magandang bakbakan ito. Lakas at bilis ang maghahalo. Kailangan talaga ang mga magagaling na judges para sa laban na gaya nito.

Sana po, ipagpatuloy ninyo ang inyong mga panalangin para sa ating tagumpay! God bless us all. Hanggang sa huling Kumbinasyon!




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.