Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Hindi Ako Takot Kay Marquez

PhilBoxing.com
Sun, 25 Nov 2007

Hindi ko inabutan ang laban ni Bobby, my younger brother. Pero ang laki ng tuwa ko para sa kanyang naging panalo against Fernando Trejo. Sabi ko naman sa inyo, kayang manalo ni Bobby, basta mag-focus lang siya sa ensayo. Saka bata pa si Bobby, naniwala ako na kaya pa niyang maging champion.

Sa nagtanong, hindi ko talaga pinanood ang laban ni Bobby, kasi iba ang naramdaman ko kapag siya ang nandon sa ring, pag tinatamaan siya parang ako ang masaktan, parang gusto ko umakyat at ako na ang tumapos sa laban. Ganon yata talaga kasi kapatid ko siya eh. Ganon din ang naramdaman ng nanay ko everytime I fight, kaya hindi rin siya nanonood. Manood lang siya kapag tapos na ang laban at ni-replay na sa TV.

Tingin ko rin, okey lang na I was not at the ringside when Bobby fought, para kasi hindi siya pressure, makapagrelax siya at makapagpokus nang husto sa laban.

Hindi ko kasi masisi ang mga tao na ikumpara sa akin si Bobby. Magaling na boksingero si Bobby. Ang totoo, kung sa galaw, mas may galaw siya, pati sa style, mas maganda ang style niya. Kailangan lang talaga niya mag-ensayo nang todo at maalagaan nang mabuti.

***

Sa mga nagtanong din, by January 2008 po ako mag-start ng training para sa sunod ko na laban. Pero magsimula na rin akong magpapawis sa December para hindi ako mabigla pagpunta ko sa Amerika para roon mag-ensayo.

Huwag po kayo mag-alala na mga fans ko, top priority ko po ang boxing at hindi ko ito maaaring pababayaan.

May mga nabasa ako na sinasabi na ako daw ay naduduwag kay Juan Manuel Marquez.

Bakit naman ako maduwag? Mula na maging boxer ako, wala akong inurungang laban, kahit sino basta katimbang lang, fight ako. I am a boxer and my job is to fight.

?Yun kay Marquez darating tayo diyan, inaayos lang ang mga bagay-bagay para matuloy ang rematch namin. Kaya nga may negotiation para maisaayos ang lahat.

Hindi ba mas maganda rin na kapag naglaban kami na pareho kaming champion?

?Yun tungkol naman kay David Diaz, under negotiation pa din. Pero, by the time na nakabalik ako sa Pilipinas, tiyak na may balita na kayo sa nangyaring negotiation para sa sunod ko na laban.

Pero, lagi ko rin sinasabi, sa boksing lahat ay hindi pa final until the boxers signed the dotted line. Ibig sabihin, kahit ano pa ang balita, haka-haka lang hanggang wala pang pirmahan ng kontrata.

***

Nakiramay din po ako sa pagkamatay ng dati kong manager na si Mang Polding Correa. Hindi ko makakalimutan ang mga naitulong niya sa akin, lalo na nong nagsimula pa lang ako. Bahagi si Mang Polding ng kung anuman ang buhay ko ngayon. Sana kahit wala na si Mang Polding patuloy pa rin ang operasyon ng gym niya sa Malabon, para makatulong sa mga baguhang boksingero.

Gayundin po, sa mga nakatira naman sa Valenzuela City, kalapit lang ng Malabon, kung gusto niyo na magboksing, punta lang kayo at mag-ensayo sa Romano Boxing Gym.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.