Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Ako Ay Nalilito Rin

PhilBoxing.com
Sun, 11 Nov 2007

Sayang at hindi umabot ang aking article para sa anniversary issue ng Abante nung Biyernes. Kaya dito ko na lang sa ?Kumbinasyon? isinulat ang aking pananaw sa Philippine sports sa nakalipas na 20 years.

Sa maraming taon na lumipas, pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa pagpapalakad sa ating mga manlalaro. Dahil dun ?di pa rin natin nakakamit ang gintong medalya sa Olympics. Kailangan siguro nating baguhin ang pamamalakad o ang pag-manage sa ating mga atleta. Kailangan na siguro baguhin ang sistema.

In fact, we have a lot of world champions in the professional level, but still why can't we gain a gold medal from the Olympics?

Kagaya ng sinabi ko sa mga nakaraan kong kulum, kailangan ng isang atleta ang tatlong aspeto at ito ay kahandaang: Physical, Mental at higit sa lahat, ang Spiritual na aspeto, na ating magamit lalung-lalo na sa ating kinabukasan.

Kung ating atleta ay may taglay ng tatlong aspetong nabanggit, twenty years from now, I think, we can have changes and possibly we can produce gold medals in the Olympics. Lalo pa tayong makikilala sa buong mundo bilang competitive Filipino athletes.

I don?t want to compare myself to anyone I just want to share my experience and to give inspiration to everyone, especially to my fellow Filipinos. Nasabi ko po ang lahat ng ito, because of what I?ve been through in the past.

***

Anyway, maraming humahamon sa akin at gusto akong labanan. Nandyan sina Marquez, Casamayor at ang tatlong Diaz. Kahit ako ay nalilito kung sino ang aking lalabanan. Pero kahit sino sa kanila, sisiguruhin ko na makapagbibigay ako ng magandang laban at higit sa lahat kasiyahan sa bawat isa, dahil ang mapasaya ko kayong lahat ay napakalaking bagay sa akin.

At heto pa rin po ako, busy sa pag-aaral dahil gusto ko po talagang makatapos sa kolehiyo, upang hindi na po ako masaktan sa panglalait ng ibang tao.

Tayong lahat ay may puso?t damdamin, hindi ko naman po ginusto na hindi makatapos ng pag-aaral noon. It?s a public knowledge that my family suffered extreme poverty during my childhood. Kaya nga po, nawa?y makapagbigay ako ng inspirasyon at magsilbing aral ang aking buhay sa bawat isa.

Hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? Mabuhay!


>This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.