|
|
|
Sa Mga Taga-Cebu, Salamat sa Inyo PhilBoxing.com Sun, 23 Sep 2007 Sa oras na binabasa n'yo ang "Kumbinasyon" siguro po ay kakalapag pa lang namin sa Los Angeles, California. Opo, nasa LA na ako at kagabi kami umalis nina coach Freddie (Roach) at Buboy (Fernandez). Ako'y nagpapasalamat sa lahat ng mga taga-Cebu sa binigay na suporta sa akin sa isang buwang training ko. Salamat sa RWS Gym International, sa pagpapagamit sa akin, sa Salud family sa pag-alaga sa Team Pacquiao at walang sawa po akong nagpapasalamat sa kabaitan ng mga kababayan kong taga-Cebu at sa lahat ng sumusuportang fans, na pumunta pa sa Cebu para makita ang training ko, pati na 'yong galing sa Manila. Saludo ako sa kabaitang ipinakita sa amin ng mga Cebuano, marami pong salamat. Lalung-lalo na sa Mahal na Panginoon, sa binigay niyang lakas sa araw-araw na nag-ensayo ako hanggang ngayon. *** Si Manny Pacquiao habang nag-eensayo sa Cebu IT Park kamakailan. Alam kong marami ng excited sa darating kong laban ngayong October 6. Sana po ay ipagdasal ninyo, hindi lamang ako, pati ang mga kasama ko, para maipanalo ang laban na ito. Hindi po ako nangangako, pero gagawin ko po ang lahat para mabigyan ko kayo ng kasiyahan at makapagdala na naman ako ng karangalan sa ating bansang Pilipinas. Masaya po ako na sa tuwing ako ay lalaban ay nagkakaisa po tayong lahat. Pero, gaya ng nabanggit ko sa huli kong kolum, ang tungkol sa isang attorney at isang writer na nagbabangayan. Marami na rin akong nabasa sa internet tungkol sa paghahamunan ng dalawa. Ang masabi ko lang, tigilan n'yo na ang walang kuwentang bangayan at hindi maganda tingnan sa nakararami. Iba na lang ang pag-usapan n'yo, sports na lang. At wag naman sana sasama ang loob nila, dahil ang sa akin ay paalala lamang, habang hindi pa lumaki ang bangayan niyong dalawa, kailangang putulin na. Mahalaga dito sa mundo ang relasyon natin sa Lord at sa kapwa, kaya magmahalan tayong lahat, para lagi tayong masaya at hindi tayo madaling tatanda. Ooopps, may kasabihan tayo, bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit. Hanggang sa muli kong "Kumbinasyon." Mabuhay po tayong lahat! This can also be read at Abante Online. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |