|
|
|
Ang kahalagahan ng kabutihang loob sa kapwa? PhilBoxing.com Sun, 07 Dec 2014 NAGING usap-usapan at kontrobersiyal ang desisyon naming mag-asawa na ibenta ang tahanang aming naipundar sa Forbes Park sa Lunsod ng Makati. Maganda, magara at tahimik ang naturang subdivision at sadyang kaaya-aya ang manirahan sa ganitong uri ng pamayanan. Subalit may mga panuntunang dapat sundin ang mga nakatira rito. Gaya, halimbawa, tungkol sa mkga tatanggaping bisita na kailangan ay maayos ang pananamit. At dahil galing po tayo sa pamilyang mahirap, malapit po ang ating puso sa mga taong mahihirap. Ang mga taong pumupunta sa aking pamamahay ay malimit karaniwan kasuotan. Kahit po mahirap mapantayan ang tagumpay na naabot ko sa larangan ng boksing at kahit maging kasing-yaman ako ni Haring Solomon, hinding-hindi magbabago ang aking pakikitungo lalo na sa mga kababayan kong mahihirap. Ang isang magandang ugaling namana ko sa aking mahal na ina ay ang pagiging mapagpakumbaba. Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda, hindi po nakaligtaan ng aking ina na ipaalala sa tuwina ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at kabutihang loob sa kapwa. ?Anuman ang marating mo sa buhay, iwasan mong maging palalo. Alalahanin mong isinilang tayo sa mundong ito na hubo?t-hubad. Ito?y sinadya ng Panginoon upang ipaalala sa ating lahat na nagsimula tayo sa wala,? ito ang ginintuang pangaral ng aking ina. Gaya ng nasabi ko na sa maraming media interview, humihingi po ako ng taos pusong paumanhin kung nakaistorbo ako sa aking mga kapitbahay sa Forbes Park. Hindi ko po sinasadya. Bilang isang kristiyano, hindi ako puwedeng mamili ng aking bisita. Bukas po ang aking tahanan kahit kanino man. May babala po sa atin ang Aklat ng Buhay. Ayon sa nakasulat sa Proverbs 22:22-23 ?Do not rob the poor because he is poor, or CRUSH THE AFFLICTED AT THE GATE; for the LORD will plead their case and take the life of those who rob them.? Sa Zechariah 7:10, pinaalalahan din po tayo, ??and do not oppress the widow or the orphan, the stranger or the poor; and do not devise evil in your hearts against one another.? Ito po ang gabay ko sa pakikitungo sa aking kapwa lalo na sa mga mahihirap. Batid ko po ang sakit at hirap ng isang taong lubhang nangangailangan, gutom o may sakit. Naranasan ko po ito at may isang pamilyang ginamit ng Diyos upang akoy kupkupin at iligtas sa kamatayan nang ako ay dapuan ng issang may kalubhaang karamdaman noong ako'y bago pa lamang dito sa Kamaynilaan. Pagkatapos mangyari sa akin yun, ipinangako ko sa aking sarili na kung bibigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataong makatulong sa kapwa, gagawin ko ang kabutihang ipinalasap sa akin ng Pamilya Florentino mula sa Malabon. Sila ang mabuting pamilyang tumulong sa akin. Dinala nila ako sa ospital, at inalagaan nang ako'y lumabas upang magpagaling, pinakain at regular na pinainom ng gamot hanggang sa tuluyang mawala ang karamdaman ko. Kaya po, balak naming mag-asawa na bumili ng bahay sa isang lugar na walang panuntunang mahigpit na ipinaiiral sa pagtanggap ng taong dumadalaw anuman ang antas ng kanilang katayuan sa buhay. Iginagalang ko po ang panuntunang pinaiiral sa Forbes Park. Sa aking mga kapitbahay na nauunawaan ang aking kalagayan, maraming salamat po. Pagpalain nawa kayong lahat ng Poong Maykapal. Wala po akong sama ng loob o hinanakit kaninuman sa aming pag-alis sa naturang lugar. Malawak po ang ating pang-unawa at mapagpatawad po tayo sa kapwa dahil sa natutunan natin mula sa Aklat ng Buhay. Ang Bibliya po ang nagmulat sa akin na ang dalawang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Hanggang sa muli. God bless us all. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |