Philippines, 08 Oct 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'BOXING IS BOTH A SPORT AND AN ART'

PhilBoxing.com
Mon, 01 Dec 2014



MAGANDANG araw pong muli sa minamahal kong tagasubaybay sa pitak na ito. Sana patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at iligtas lagi sa anumang sakuna o karamdaman.

Una sa lahat nagpapasalamat po tayo sa Panginoon dahil sa ipinagkaloob Niyang tagumpay at biyaya sa atin nitong nakaraang laban.

Nais ko rin pong pasalamatan ang aking mga masugid na tagahanga, mga kaibigan, mga kasamahan sa Team Pacquiao at lalong lalo na po ang aking butihing maybahay na si Jinkee, mga anak, magulang, mga kapatid at mga kamag-anak dahil sa inspirasyong ibinigay nila sa simula pa lang ng aking training camp hanggang sa oras mismo ng laban.

?Yon po ay tagumpay nating lahat at hindi lang po ng inyong abang lingkod.

Sa tuwing ako?y aakyat sa ring, nasa likod ko po ang ating Panginoon at pasan ko ang puso at lakas ng sambayanang Pilipino. It was virtually a fight between Algieri against my faith and the whole nation.

It was not an easy fight. Algieri was no push over or a patsy. In fact, pinahanga niya ako sa tibay ng kanyang loob at katawan.







Photos by Chris Farina / Top Rank and Wendell Rupert Alinea.

Kahit po anim na beses siyang humalik sa lona, muli siyang bumabangon upang lumaban. ?Yan po ang puso ng isang tunay na mandirigma. And as a fighter, myself, I doff my hat on him.

Sa mga tagahanga po na naghahangad ng knockout, ipagpaumanhin po ninyo. Mahirap pong i-knockout ang kalabang takbo ng takbo.

I could never recall an instance during the fight na lumaban po siya ng sabayan. I was trying to draw him to a slugfest. But he played safe and tried to box.

Subalit, nakahanda na po tayo sa ganung estilo. ?Yan po ang pinag-aralan natin ng maige during the training camp.

Gaya po ng aking ipinangako sa inyo, makikita ninyong muli ang dating bangis, tapang at liksi ni Manny Pacquiao sa araw ng kanyang laban kay Algieri.

Inyo pong natunghayan na ginawa ko ang aking ipinangako sa inyo.

Boxing is both a sport and an art. As a sport, hinuhubog nito ang lakas at tibay ng ating katawan at isipan. As an art, layunin nito na bigyang kasiyahan ang mga manonood.

Ngunit, sadyang may mga fans na ika nga?y uhaw sa dugo. They prefer violence than art.

Noon pong tayo ay isa pa lang bagitong boksingero, yan din po ang ating pananaw. That the only way to entertain the fans is to defeat a competitor via a brutal knockout.

Subalit, pinatunayan ko sa inyo na ang isang laban sa itaas ng ring ay magiging isang nakakaaliw na sining kahit hindi magtapos sa isang kahindik-hindik na pagkalugmok ng ating katunggali.

Naririnig ko ang lakas at dagundong ng hiyawan sa loob ng Cotai Arena. Dagundong na tila isang musika sa aking pandinig. Sinubukan kong sumabay sa saliw ng musika. And that time, I felt, I was more of an artist than a heartless warrior.

Ang resulta ? a 12-round entertaining fight. Alam kong hindi kayo bitin at yon ang pinakamahalaga para sa akin. Mahirap mabitin, hindi ba? Nakakarindi.

Hanggang sa muli minamahal kong mga tagasubaybay. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.