"You will not know who your true and real friends are, until you're down!"
Ito ang katagang namutawi sa labi ni World Boxing Council (WBC) light-flyweight champion Brian Viloria bilang pagbabalik-tanaw sa mga kabiguang dinanas bago siya naging kampeon, particular nang siya'y talikuran ng mga itinuring na 'kaibigan.'
Kaya naman, sa kanyang pananaw, dapat na kinikilatis mabuti ang mga taong nakakasalamuha, lalo na sa larangang kanyang ginagalawan - - ang boksing.
Dahil din dito, maingat si Viloria sa pagpili ng kanyang mga kaibigan.
"I personally experienced being left behind by friends after I lost in the Olympics," sambit ng 25-anyos at Hawaii-based boxer. "After my bout and I didn't win medal, my so-called friends were all gone and who were left with me? M family, especially my Dad."
Ayon kay Viloria, nang magsimula siya bilang amateur boxer sa Estados Unidos at unti-unting nagkapangalan, unti-unti ring lumalaki ang bilang ng kanyang mga kaibigan - - - subalit nang siya'y mabigong magwagi sa Olympic Games, tila bulang biglang nawala ang mga 'kaibigan'niya.
"They were rushing to the door just to get out and left me with no one but my Dad," komento pa ni Viloria.
Bunga ng karanasang ito, mas naging prayoridad niya at higit na pinahahalagahan ang kanyang pamilya.
"I am pretty sure that if I lose my crown, I will only have my family with me," dagdag pa niya.
Si Viloria ay nagbabakasyon sa Pilipinas, matapos ang matagumpay na title defense ng WBC diadem laban kay Jose Antonio Aguirre ng Mexico, may dalawang linggo na ang nakararaan.
Comments
Share your thoughts on the above article by Virgi T. Romano.