Philippines, 26 Sep 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


MALAPIT NANG MAG-UMPISA


PhilBoxing.com





GENERAL SANTOS CITY ? Kumusta po ulit, mga ginigiliw kong kababayan at ang mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa maganda kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Isang linggo na lang po at ako ay lilipad na patungo sa United States upang simulan na ang pagpo-promote ng laban namin ni Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Medyo marami po akong inaasikaso ngayon dito sa Pilipinas dahil matagal-tagal akong mawawala dahil tuluy-tuloy na ang ensayo pagkatapos ng promotional tour namin ni Ginoong Dela Hoya. Tinatapos ko ang nalalabing subjects ng aking kurso sa college at inaayos ko ang ilan sa mga bagay na maiiwan ko dito.

Ayon sa schedule, kami po ay magsisimulang magpromote sa Statue of Liberty sa New York, pagkatapos niyan ay tutungo naman kami sa San Antonio, Texas at Houston, Texas, ilan sa mga malalaking siyudad sa US. Siyempre, kasama rin ang mga siyudad na San Francisco, Las Vegas at Los Angeles sa promotional tour at inaasahang dagsaan ang mga taong susubaybay sa mga nangyayari at pangyayari.

Ngayon pa lang po ay excited na ako na bumalik sa gym at maghanda ng tama at walang paltos na fight plan para kay Golden Boy. Alam naman natin na mas matangkad at malaki siya kaya naman po medyo nagpapalaki ako ng kaunti para hindi masyado malaki ang agwat namin. Siyempre, hindi ko isasakripisyo na mawala ang bilis sa ibabaw ng ring, na siyang isa sa mga bentahe natin, sa aking palagay.

Sa ngayon po ay wala akong control sa pagkain ko dahil alam ko namang masusunog ko lahat ito sa training sa Wild Card Gym ni coach Freddie Roach. Sa ngayon, nasa 154 pounds ang timbang ko at wala pong problema sa pagkuha ng 147 pounds limit na siyang paglalabanan namin.

Alam ko pong kaya ni Ginoong Dela Hoya na makuha ang timbang na 147 pounds dahil hindi naman siya naging pabaya sa kanyang kundisyon sa pangangatawan. Kung hindi, siyempre, magmumulta siya ng $3 million o higit pa, depende sa timbang na kanyang dadalhin sa araw ng laban.

Kahit na halos 12 linggo pa ang nalalabi bago kami magkakasagupa ni Dela Hoya, alam kong sandaling panahon lang iyan sa bilis ng takbo ng panahon. Parang kailan lang, ako ay lumalaban sa 122 pounds limit sa undercard ng laban ni Dela Hoya kontra kay Javier Castillejos para sa 154 pounds title. More than seven years from that time in 2001, here we are doing battle with boxing's biggest star, the Golden Boy himself. I like my chances even if I am the underdog and in my mind, I know how to defeat him.

Marami po tayong gagawin sa paghahanda. Ito na siguro ang pinakamatinding paghahanda na aking gagawin sa buong buhay ko mula nang magsimula akong magboksing. Siyempre, kakailanganin ko po ang lahat ng inyong suporta at pakikisama. Kasama ang inyong walang patid na pagdarasal, sana naman po ay bigyan ninyo ako ng tamang espasyo sa training. Opo, sigurado, isasara ang gym at iyong mga kasama lang sa aking team ang papayagan. Para naman po sa mga bibisita sa akin, sana, iyong mga may nakakahawang karamdaman ay makisama rin.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All!

* * *

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • BOOTS READY TO MAKE A STATEMENT ON OCT 11
    , Fri, 26 Sep 2025
  • Stanford Graduate and Undefeated Middleweight Prospect Dante “The Inferno” Kirkman Returns to the Ring at Fight Club OC
    , Fri, 26 Sep 2025
  • EDDIE HEAR TELLS FLASH KNOCKDOWN PODCAST: 'DAVE ALLEN COULD FIGHT DEONTAY WILDER NEXT – IF HE BEATS ARSLANBEK MAKHMUDOV'
    , Fri, 26 Sep 2025
  • The Evolution of Kru Mark Tabuso: Filipino American Martial Artist (Special Series 3 of 5)
    By Emmanuel Rivera, RRT, , Fri, 26 Sep 2025
  • ABAP regroups after Liverpool bust
    By Joaquin Henson, , Thu, 25 Sep 2025
  • BIADO AND GORST SET FOR BLOCKBUSTER REYES CUP SHOWDOWN
    , Thu, 25 Sep 2025
  • Crawford vs Spence 2, Why Not?
    By Ralph Rimpell, , Thu, 25 Sep 2025
  • GOAT debate in boxing
    By Joaquin Henson, , Thu, 25 Sep 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaimàn: The incomparable boxing industry
    By Mauricio Sulaimán, , Thu, 25 Sep 2025
  • Undefeated Lightweight Kaipo Gallegos…2025 Prospect of the Year?
    , Thu, 25 Sep 2025
  • Nixon Curioso to compete in Spain Standard FIDE chess tournament
    , Thu, 25 Sep 2025
  • KIERON CONWAY ISSUES CHILLING WARNING TO RIVAL GEORGE LIDDARD DURING HEATED HEAD-TO-HEAD BEFORE SOLD OUT YORK HALL CLASH
    , Wed, 24 Sep 2025
  • MATCHROOM BOXING JOINS FORCES WITH JAY Z's ROC NATION SPORTS INTERNATIONAL IN NEW GLOBAL STRATEGIC PARTNERSHIP
    , Wed, 24 Sep 2025
  • VERGIL ORTIZ VS. ERICKSON LUBIN PRESS CONFERENCE QUOTES AT TEXAS LIVE!
    , Wed, 24 Sep 2025
  • All set for Ozamiz chessfest
    By Marlon Bernardino, , Wed, 24 Sep 2025
  • Was It Worth the Trouble?
    By Teodoro Medina Reynoso, , Wed, 24 Sep 2025
  • Balunan challenges Taduran on Oct. 26 in Malate
    By Lito delos Reyes, , Wed, 24 Sep 2025
  • “Night of Champions” set to highlight WBO’s 38th Convention
    , Wed, 24 Sep 2025
  • Omandam, Lim rule Damosa Land 5150 debut
    By Lito delos Reyes, , Wed, 24 Sep 2025
  • PH PRIDE: Filipino chess master wins in Malaysian Seniors Open Chess Championship
    By Marlon Bernardino, , Tue, 23 Sep 2025
  • Kevin Brown Victorious - Retains His WBA Continental North American Title
    , Tue, 23 Sep 2025
  • Kingsley “The Black Lion” Kingsley Ibeh Rolled to 11th win in a row to become new WBC FECARBOX Heavyweight Champion
    , Tue, 23 Sep 2025
  • Former World Champion Marcus Browne Returns to the Ring Against Brandon Glanton in Nigeria on Independence Day
    , Tue, 23 Sep 2025
  • MATCHROOM SPORT PRESIDENT BARRY HEARN OBE RECEIVES FREEDOM OF THE CITY OF LONDON
    , Tue, 23 Sep 2025
  • 2025 Sports Heroes Night on Sept. 28 at TRM
    By Lito delos Reyes, , Tue, 23 Sep 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.