|
|
|
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Laban ni Hidilyn, tuloy hanggang Paris Olympics By Eddie Alinea PhilBoxing.com Fri, 12 Aug 2022 Hidilyn Diaz. WALA NA SI DIAY! IPINAABOT NG SAKSI NGAYON SPORTS, AT NG SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ANG AMING TAOS-PUSIONG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NG TRACK AND FIELD LEGEND NA YUMAO NA NOONG BAGO MAG-HAHATING GABI NG MIYERKULES MAKARAAN ANG APAT NA TAONG PAKIKIPAGLABAN SA BREAST CANCER! oOo Tingnan nga naman ninyo kung anong sakripsiyo ang pinagdadaanan ng ating mga atleta mabigyan lamang ang bansa at ang Lahing Pilipino ng karangalan sa iba’t-ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Si weightlifter Hidilyn Diaz, halimbawa ay dumaan sa napakaraming balakid sa kanyangn huling 12 taong karera para mahandugan nang bansa ng kauna-unahang gintong medalya nito sa nakaraang XXXII Games of the Olympics na idinaos sa Tokyo isang taon na ang nakalilipas. Sa unang dalawang Olimpiyadamg kanyag nilahukan noong 2008 bilang wild card entry, at 2012 umuwing luhaan ang Zamboanguena dahil sa walang nai-uwing kahit ano sa kabila ng kanyang potensiyal bilang isang batambatang kalahok na itinuringn na pag-asa ng bayan. Hindi doon natapos ang kalungkutan ni Hidilyn. Bigo siyang katawanin ang bansa noong 2014 Asian Games, dahilan upang siya’y ire-komenda ng ilang nagmamarunong na opisyhal ng sports sa bansa na tanggalin bilang miyembro ng national training pool sa kanyang sport sapagkat wala ng pakinabang na mapapala sa kanya. Nilabanan niya ang kilusang ito at sa tulong ng kanyang kauna-unahang coach na si Elbert Atilano, ilang tagasunod na naniniwala pa sa kanyang kakayahan at ilang miyembro ng sports media ay bumalangkas ng plano kung paano siya maibabalik sa dati niyang potensiyal. Sa madalibg salita, nagtagumpay ang grupo at noong 2018, ay pinangunahan ang apat na all-woman gold medalist na bumalik sa Pilipinas sa pagbubunyi ng kanilang mga kababayan. Nauna rito noong 2016 sa Rio de Janeiro Olympics, nasungkit ng sarhento sa Philippine Air Force ang silver medal at kauna-unahang female athlete na nakapag-uwi ng medalyang may ganoong kulay. At noon ngang 2021, sa Tokyo, nakamit niya at ng bansa ang kauna-unahang gold medal na sa akala ng marami ay tumapos na sa mahabang taong paghihirap niya at mamuhay na ng tahimik matapos pakasalan ang kanyang Guamanian coach na si Julius Naranjo, eksaktong isang taon makaraan ang kanyang kabayanihan sa Olympics. Hindi mangyayari iyon, at least hanggang sa matapos ang 2024 Olymics na gaganapin sa Paris kung saan ay nagsimulang lumahok ang Pilipinas sa Olimpiyada 100 taon na ang nakararaan. Nitong nakaraang linggo lamang, ipinahiwatig ni Hidilyn ang plano niya at ng kanyang asawa na lalahok pa siya sa Paris Olympics, kung saan, wika niya, ay isasagawa niya ang tinagurian niyang “last lift.” “Today (Sunday), we are officially two years to go before I step onto the platform at the 2024 Paris Olympics,” aniya. “We have set aside our honeymoon, we only have 730 days left. “Even if its difficult, even though I don’t need to prove anything, I still want to do whatever I can for weightlifting and the Philippines,. ” “I am manifesting this because this is what I want and weightlifting is what makes me happy,” dugtong ni Hidilyn. “Please accompany me in my decision to go for my last lift. My team will be with me throughout the whole process, but I will need the support and prayers from all of you.” “I am determined to do more for our country. I am claiming this, for the love of God and our country,” pangako ni Hidilyn. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |