|
|
|
Kapayapaan at Katahimikan sa Philippine sports By Eddie Alinea PhilBoxing.com Wed, 06 Apr 2022 EJ Obiena. Ang mabuting bagay ay natatapos sa mabuti. All’s well that ends well, wika nga ng mga Kano. Sa wakas, kapayapaan ang maghahari sa mundo ng Philippine sports matapos na ang sigalot sa pagitan ni Pilipino Olymipic pole vaulter Ernest Jphn Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay nagkasudong tigilan na ang alitan na tumagal nang halos anim na buwan at nagbunga sa pagkatanggal ni EJ sa pambansang koponan ng athletics. Salamat sa pamamagitan ni Philippine Sports Commission Chair William “Butch" Ramirez, ang 26 anyos na talentadong si EJ ay mababalik na bilang miyembro ng pambansang koponan na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam. Dahilan din para mabuksan ang pinto kay EJ na patunayan ang kanyang ranggong panlima sa daigdig at pinakamagaling na pole vaulter sa Asya sa XIX Asian Games sa Sityembre sa Hangzhou, China at World Outdoor Champions sa Eugene, Oregon sa Hulyo. Ang pagkakasundo ng dalawang nag-a-away na kampo ay naging dahilan din sa pagwawalang bisa ng ng Philippine Olympic Committee sa dalawang resolusyon na pagsu-suspinde sa PATAFA ng 90 araw at nag-deklara sa pangulo nitong si Dr. Philip “Popoy” Ella Juico bilang persona non grata. Opisyal na natuldukan ang kotrobersiya na nagmula sa ilang akusasyong ibinato ng PATAFA kay EJ tungkol sa umano’s maling paraan ng pagsasara nito ng kuwenta sa tulong pinansiyal na ibinigay sa kanya para sa kanyang preparasyon sa paglahok sa XXXII Games of the Olympics na ginanap sa Tokyo noong nakaraang taon noong Lunes sa pagtatapos ng pamamagitan ni PSC Chair Butch. Bukas palad na tinanggap ng POC ang pagkakasundo sa pagitan ni EJ at ng PATAFA sa pamamagitan ni POC president at Cavite Rep. Abraham “Bambol" Tolentino sa kanyang pahayag sa pagwawalang bisa ng ban kay Doc Popoy na niya’y hudyat ng pababalik din ng PATAFA sa status nito bilang tagapagpatupad ng programa sa pagpapaunlad ng track and field sa bansa. “As I have maintained even before, there are no losers but only winners (in the controversy). The main winner being the Filipino athlete.” Pinasalamatan ni Chair Butch kapuwa ang kampo ni EJ ant ng PATAFA sa kanilang kooperasyon sa pagkakalutas ng problema. Kasama ni Ramirez sa pulong noong Lunes sina PSC Executive Director, Lawyer Guillermo Iroy Jr.; Office of the Solicitor General’s ASG Bernard Hernandez; Philippine Dispute Resolution Center Inc.’s (PDRCI) Executive Director, Lawyer Arleo Magtibay; PDRCI Board Member and Chairman of the PDRCI Sports Arbitration Committee, Lawyer Charlie Ho. “It is a learning experience for all. For us in the PSC, this experience is historical because it is our first-ever foray into sports mediation, and it showed us areas where we can craft policies for improvement,” pahayag ni Ramirez matapos ng pulong. Ipina-alaala ni PSC chair sa mga kinauukulan na ituring ang lahat ng nangyari, impormasyon, diskusyon at palitan ng salita ay kumpidensyal. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |