Philippines, 26 Nov 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika 12 Bahagi): Nang mabawi ni Pacquiao ang ninakaw sa kanyang korona


PhilBoxing.com




Isang laban at kulang dalawang taon lamang ang hinintay ng may ari ng sinturon sa welterweight na si Manny Pacquiao upang ipakita na siya ang tunay na panginoon sa ibabaw ng ring sa 147 librang dibisyon matapos na agawin sa kanya ito ng nagpanggap na kampeong Amerikanong si Timothy Bradley Jr.

Hunyo 9, 2012 nang nakawin ni Bradley kay Pacquiao ang korona sa pamamagitan ng kontrobersiyal at di nagkakaisang hatol ng tatlong huwes na tinaguriang “tatlong bubuwit” ng noon ay promoter ng Pilipino na si Bob Arum.

At bagamat nakalasap muli ng pagkatalo ang idolo ng masa sa sumunod niyang laban kay Juan Manuel Marquez (KO sa 6th round) noong Disyembre 8 nang taon ding iyon, naburang lahat ang pinaka-mapait na karanasang ito ng Pambansang Kamao sa kanyang kasaysayan bilang boksingero noong Abril 12 2014.

Nangyari ito sa rematch nila ni tinaguriang “Desert Storm” kung saan ay nilampaso at siniguro ni Pacman na wala nang dapat ipagduda sa kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kilalaning hari ng dibisyon. Dalawa sa mga hurado ang umiskor ng 116-112 para sa Pilipinong tubong Kibawe, Bukidnon at ang isa sa mas malayong, 118-110 para mapasa-kanyang muli ang korona.

Una rito ay kinailangan muna niyang lampasan ang hamon ng naka-base sa Oxnard, California na si Brandon Rios na may impresibong rekord na 31-1-1, kabilang ang 23 KOs sa makasaysayang labang ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa Macau para sa bakanteng titulo ng WBO international welterweight.

Pinamaga ni Manny ang dalawang mata ni Rios nang matapos ang sagupaan at duguan ang bibig ng humahamon na nagbunsod sa hurado na igawad sa ama ng limang anak niya kay dating Sarangani Bise Gobernador Jinkee ng nagkakaisang hatol, 119-109, 120-108 at 118-108.

Mahigit sa 15,000 nagsisigawang manonood na humingi ng ulo ni Bradley ang pumuno sa MGM Grand Arena ang nagbunyi matapos makita ang sinturong pang-kampeonatong hawak muli ni Manny nang ipahayag ang kinalabasan ng sagupaan.

Bagamat sa mata ng marami ay mistulang napakadali ng laban para sa kanilang idolo, si Manny ay nanatiling mapagpakumbaba at sa kanyang nakaugaliang malambot na pangungusap ay nagpahayag makaraan ang laban: “He gave me a good fight. He's not that easy.

“I listened to my corner about keeping my hands up and timing. He threw a lot of punches. He threw wide, wide, wide hooks. I got hit one time and said it's not good to be careless!”

Samantalang si Pacquiao ang maliwanag na nakaungos sa lahat ng departamento ng laban, si Bradley ang nagpakita ng pagiging agresibo sa unang bahagi ng paghaharap habang umiskor ng malalakas na suntok sa round 2 at 3.

Sa pang-apat na yugto ipinakita na ni Pacquiao ang kanyang kalamangan sa lakas ng suntok at bilis ng mga kamay at paa na nagdala kay Bradley na animo’y sumusuntok sa hangin.

Bago matapos ang pang-anim na round, kontrolado na ni Manny ang laban sa pamamagitan ng walo hanggang sampung kalikwa’t –kanang kumbinasyon at nakakaparalisang suntok sa katawan.

Mula doon ay nahulaan na ng mga nasa arena na ang pag-asa na lamang ng Amerikkano na mabago ang kalalabasan ay nang mapatulog niya ang Pilipino.

Tabla na sa 1-panalo-1-talo ang unang dalawang paghaharap sa pagitan ni Pacquiao at Bradley na nagdala sa mga promoter ng dalawa para maglaway sa pangatlong klasiko at siyembre malaking bonansang naghihintay sa pangatlong pagtutuos.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • WBA/WBO Cruiserweight Champion Gilberto ‘Zurdo’ Ramirez Confirms World Title Fight with David Benavidez on Cinco de Mayo in Las Vegas
    , Wed, 26 Nov 2025
  • Petecio in, Paalam out
    By Joaquin Henson, , Wed, 26 Nov 2025
  • Takuma Inoue World Champion Again; Beats Nasukawa for Vacant WBC Belt
    By Teodoro Medina Reynoso, , Wed, 26 Nov 2025
  • OLYMPIC BOXING 3: 1920 OLYMPIC GAMES AT ANTWERP, BELGIUM
    By Maloney L. Samaco, , Wed, 26 Nov 2025
  • Badenas TKO’s Saknosiwi in 10th round
    By Lito delos Reyes, , Wed, 26 Nov 2025
  • Las Vegas & California Amateurs Shine in a Powerful Fall Rumble Weekend Followed by a Heartfelt Turkey Drive for Local Families
    , Wed, 26 Nov 2025
  • Santa Run Davao on December 14 at NCCC Mall Victoria Plaza
    By Lito delos Reyes, , Wed, 26 Nov 2025
  • Alec “The Rock” Del Rio Fights for WBC Asia Title Friday in Thailand
    By Carlos Costa, , Tue, 25 Nov 2025
  • Eumir, Weljohn put pros on hold
    By Joaquin Henson, , Tue, 25 Nov 2025
  • Toronto Topples Cleveland, 110-99 for 8th Straight Win; Holds on to 2nd in the East
    By Teodoro Medina Reynoso, , Tue, 25 Nov 2025
  • PPP Seniors & PWD Fun Run 2025 on Dec. 13 in Talomo
    By Lito delos Reyes, , Tue, 25 Nov 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS ANNOUNCES A FULL SELLOUT AND BROADCAST DETAILS AHEAD OF U.S. DEBUT EVENT THIS SATURDAY, NOVEMBER 29, AT PECHANGA RESORT CASINO IN TEMECULA, CALIF.
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Tomorrow Night's CB Promotions Card at The Cure Insurance Arena in Trenton is Postponed
    , Tue, 25 Nov 2025
  • PHL bids to host WB Congress
    By Joaquin Henson, , Tue, 25 Nov 2025
  • Joel "Lethal" Lewis talks boxing evolution and upcoming Thunderdome 52 fight this Friday in Perth
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Granite Chin Promotions signs Milton pro boxer Jenn Perella
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Mabuhay at Salamat: ‘The Thirty’ Filipino Boxers Who Became Giants
    By Emmanuel Rivera, RRT, , Mon, 24 Nov 2025
  • World-ranked Lightweight Dynamo Justin Pauldo Collides with Hard-punching Nike Theran
    , Mon, 24 Nov 2025
  • Fastest Pinay in IronMan 70.3 World comes from Lanao del Norte
    By Kim delos Reyes-Teves, , Mon, 24 Nov 2025
  • Two-time middleweight world champion Gennadiy Golovkin confirmed as new President of World Boxing at Congress 2025 in Rome
    , Mon, 24 Nov 2025
  • Panama City will host the World Boxing Ordinary Congress in 2026
    By Gabriel F. Cordero, , Mon, 24 Nov 2025
  • Tadlas, Busayong rule 42K in 3rd SDSPPO Run for a Cause
    By Lito delos Reyes, , Mon, 24 Nov 2025
  • "The Mexican Monster" Terrorizes the 175: Benavidez Demolishes Yarde to Win WBC Light Heavyweight Title
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025
  • Harden scores 55 points for a new LA Clippers record
    By Gabriel F. Cordero, , Sun, 23 Nov 2025
  • Devin Haney Dominates Brian Norman Jr. to Claim WBO Welterweight Title
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.