|
|
|
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika 8 Bahagi): Mas masakit na pagkatalo ni Pacquiao kay Bradley By Eddie Alinea PhilBoxing.com Tue, 23 Feb 2021 Walong taon makaraang mabigong mahubaran ng korona si Juan Manuel Marquez sa kanilang una sa apat na pagtutuos, napagkaitan na naman ang idolo ng mga Pilipinong si Manny Pacquiao ng panalo nang siya ang mapatalsik bilang kampeon ng WBO welterweight, muli, dahil sa maling hatol ng mga huwes. Kung noong tablahan siya ni Marquez sa una nilang sagupaan, ganoon na lamang ang pagkabigla ni Pacquiao at ng libo-libong nasa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas at milyon pang nanood sa telebisyon nang ang kamay ng Amerikanong si Timothy Bradley ang itinaas ang ng reperi matapos ang 12 round na sagupaan. Mas masakit na karanasan ang natikman ng ating si Manny sa labang iyong idinaos noong Hunyo 9, 2012 sa dahilang matapos ang madugong paghaharap, wala na ang 147 librang koronang nakapatong sa ulo ng ating Pambansang Kamao mula pa noong Nobiyembre 14, 2009. Noong nabanggit na petsang iyon nakuha ni Manny ang sinturon sa pamamagitann ng 12 round TKO. Mas Masakit dahil halos lahat nga ng nakasaksi sa laban, maliban sa tatlong hurado na tinawag ni Top Rank top honcho na si Bob Arum na the “Three Blind Mice,” ay niniwalang si Pacquiao ang nagwagi para mapanatili ang titulo sa kanya. “I’ve never been as ashamed in the sport of boxing as I am tonight,” pahayag ni Arum matapos na ipahayag ang resulta ng laban sa gitna ng sigawan ng mga nanood na gaya niya ay hindi sumangayon sa kinalabasan ng desisyon. Ang mga huwes na sina Duane Ford at C.J. Ross ay kapuwa humusgang si “Desert Storm “ang nangibabaw sa score na 115-113. Judge Jerry Reese ay bumoto kay Pacquiao, sa mas malaking lamang na 117-111. Punching stats ay nagpakitang mas maraming pinatama ang ating bata, 253 kontra sa 159 lamang ng kalaban, Ang Compubox stats ay nakapagtala ng mas marming ring patama si Pacuiao sa 10 sa 12 round. Katunayang bugbog sarado ang Amerikano sa Pilipino ay ang huling paglabas ni Bradley sa kinaugaliang post fight interview sa media. Lamog ang mukha niya at nakasuot ng salaming may kulay para itago ang maga niyang mga mata at nakasakay sa wheelchair dala na may pilay ang paa dahil sa patuloy niyang pag-iwas sa mga malalakas na suntok na binitawan ni Manny buong laban. Bukod sa pag-boo ng mga manonood, katakot-takot na puna din ang sumalubong sa desisyion mula sa halos lahat ng media na nakasaksi sa pagtutuos. Tinawag ng mga eksperto ang desisyon na isang halimbawa ng korupsyon umiiril sa sport ng boksing. Ang ESPN.com, tulad ng di-opsyal na huradong si Harold Lederman ay umiskor ng 119-109 pabor kay Pacquiao. Halos lahat ng media sa ringside ay pumanig din kay Pacquiao. Makaraann ang apat na araw, bilang tugon sa mgqa negatibongn puna, si WBO president Francisco “Paco” Valcarcel ay bumuo ng lima-kataong kuponan ng mga independiyenteng hurado na sa nagkakaisang paninindigan na dapat ay si Pacquiao ang ipinahayag na nagwagi sa botong 117-111, 117-111, 118-110, 118-112 at 118-113. At sapagkat ang WBO ay walang kapangyharihang baligtarin ang resulta, si Bradley ay nanatiling kampeon ng welterweight hanggang sa mabawi ito in Pacquiao mismo nsa kanilang pangalawang paghaharap. Photo: Si Manny Pacquiao at si Tim Bradley sa weighin ng kanilang unang sagupaan noong Hunyo 9, 2012 (Kuka sa file ni Wendell Rupert Alinea). (May Karugtong) Click here to translate this article to other languages via Google. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |