|
|
|
Manny Pacquiao: Ang Alamat (Ikalawang Bahagi): Mula flyweight, umakyat si Pacquiao para maging hari ng super-welterweight By Eddie Alinea PhilBoxing.com Wed, 27 Jan 2021 Isang maulang araw noong taong 2001, isang 22 taong gulang na dating kampeon sa flyweight ng World Boxing Council at kumatok sa pintuan ng Wile Card Gym sa Hollywood, California na pag-aari ng tanyag na boxing trainer na si Freddie Roach upang humingi ng tulong na pamahalaan ang kanyang pro-career. Tatlong taon bago siya natanggap ni Roach, ang Pilipinong si Emmanuel “Manny” Pacquiao ay pinatulog si Chatchai Sasakul ng Thailand para sa WBA 112 librang kampeonato para simulan ang kanyang koleksiyon ng di kukulangin sa 12 padaigdig korona at tanghaling kaisa-isang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na pagharian ang walong dibisyon ng kanyang napiling sport. Makaraan ang isang dekada at dalawang taon mula noon at sa pamatnubay ng Hall of famer na si Roach, si Pacquiao ay nakoronahan din bilang panginoon ng RING Magazine sa featherweight, WBC super-featherweight, WBC lightweight, IBO/Ring welterweight, WBO welterweight at WBC super-welterweight. Lingid sa kaalaman ng marami, ang ngayon ay mambabatas nang si Manny ay kauna-unahang boksingero na nanalo ng pandaigdig na kampeonatong lineal sa limang dibisyon. At kauna-unahan din sa kasaysayan na makamit ang apat na pangunahing titulo sa orihinal na walong dibisyon na kung tawagin ay “glamour” divisions -- flyweight, featherweight, lightweight at welterweight. Pinaupo ni Pacquiao sa lona si Thurman noong naglaban sila noong Hulyo, 2019 sa Amerika. Kuha ni Wendell Alinea. Ang ating si Pacquiao ay matagal na kinilalang pinakamahusay na aktibong mandirigma sa ibabaw ng ring pound-for-pound ng halos lahat ng sporting news at boxing websites, kabilang ang ESPN, Sport illustrated, Sporting Life, Yahoo Sports, About.com, BoxRec, at RING. Ito ay mula nang ang umaakyat siya sa lightweight hanggang maagaw ang korona niya sa welterweight noong 2012. Si Manny rin ang tinanghal na pinakamatagal na naghari sa listahan ng 10 aktibong boksingero ng RING pound-for-pound. May mga nagsasabing wala na umano ang dating bagsik ni Manny sa ibabaw ng parisukat na lona bagamat mas marami ang sumusumpa na taglay pa rin niya ang kalidad ng isang mandirigmang nakagawa ng malaking pangalan sa sport ng boksing. Sa edad na 42, kung magagapi na ang salot na coronavirus, at makakita na ang Team Pacquiao ng makakalaban para ituloy ang mga natamo niyang tagumpay sa 25 taong nakalipas, si Manny ay may pagkakataon madagdagan ang kanyang maipamamana sa daigsdig ng palakasan. At umusad ng kulang tatlong taon para maapantayan ang record ng dating kampeon sa heavyweight na si George Foremqan na nabawi ang kanyang korona sa edad na 45 taong gulang noong 1994. Huling nakita si Pacquiao ng kanyag milyong tagasunod noong Hulyo 2019, kung kailan ay pinalasap niya ang dating walang talong si Keith Thurman ng mapait na pagkatalo para mapanatili ang kanyang super WBA welterweight sinturon na inagaw niya kay Argentine Lucas Matthysse kung saan sa 7 round niya pinatulog. Nauna rito, naidepensa niya ang korona laban kay Andrien Broner na tulad ni Thurman ay isa ring Amerikano. (May Karugtong) Click here to translate this article to other languages via Google. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |