|
|
|
KUMUSTA MGA KAIBIGAN? PhilBoxing.com Sun, 30 Aug 2009 Greetings sa mga kababayan ko sa bawat sulok ng mundo. Labis kong kinatuwa ang alok ng Philboxing.com at binigyan ako ng puwang para mapabilang sa mga ginagalang at hinahangaang sports writer na sinusubaybayan ko at lahat ng nagmamahal sa sports na boxing. Sa totoo lang, kulang ang araw ko kapag hindi ko nabuksan at nabasa ang lahat ng balita tungkol sa boxing na itinuturing kong hindi lang bread and butter kundi karugtong ng buhay ko. Hulog ng langit ang alok na ito kaya hayaan ninyong kunin ko ang pagkakataong ito na mapasalamatan ko ang mga sumusunod: Philboxing.com - karangalan ko ang mapabilang sa hanay ng mga hinahangaan at ginagalang na manunulat at taga balita na nagbibigay ng pagpapahalaga sa boxing. Salven Lagumbay at Dong Secuya - sa tiwala at lakas ng loob na binibigay niyo sa akin. Kumpare kong Manny Pacquiao, na siyang inspirasyon ko at ng buong mundo. Siya ang isa sa naghikayat sa akin para balikan ko ang karera ko sa boxing. "Salamat, Pare Ko." ... at ngayon nagbibigay daan para sumunod sa iyo.. mapabilang sa mga tagapagbalita dito sa Philboxing. Goody at mga anak kong sina JC Boy at Julienne... Sa kanila ako humuhugot ng lakas at tibay ng loob sa bawat laban ko at maging sa iba pang gawain bukod sa boxing. Sa namayapa kong ama - Carl, inang Dolores<, inlaws Ditdit at Virgie Llido, Mark, Stock at Shandee, mga kapatid Carl Jr., Carmelo, Dodie Boy, Jonathan, Mimi at sa mga asawa nila, kamag-anak, kaibigan at lahat lahat na sumusuporta sa sport na boxing. Mahaba ang listahan ng dapat kong pasalamatan. Sooner or later at sa tamang pagkakataon babanggitin ko ang lahat. Sa ngayon- Saludo ako at nagpupugay sa ako sa lahat ng boxers sa buong mundo lalong lalo na siyempre ang mga PILIPINO. Mabuhay ang mga Pilipino!!! Aaminin ko, hindi ako nag-aral maging tagapagbalita o sports analyst. Isa lamang akong sports enthusiast na nagmamahal sa boxing. Wala ako sa hanay at walang balak mapabilang sa mga sikat at hinahangaan kong sports writers na sina Quinito Henson, Ronnie Nathanielz, Recah Trinidad, Sev Sarmenta, Gov. Manny Pinol at iba pa. Tinanggap ko ang alok na ito sapagkat sinabi sa akin na kahit na anong balitang boxing ay maaring maisulat at maibalita. Sa Cebu, ito ay tinatawag na "saksak sinagol, " sa Tagalog "maski pops o maski papaano" at sa English naman...anything goes! Mga Kababayan, Si Gerry Pe?alosa po.. nagpupugay sa inyong lahat!!! * * * Top photo: Gerry Pe?alosa (C) celebrates after his victory over Jhonny Gonzales during the 2007 Philippines vs Mexico World Cup held in Sacramento, CA. PhilBoxing.com would like to give a warm welcome to one of the Philippines' most admired boxer, in and out of the ring, Gerry Pe?alosa, for joining the PhilBoxing.com family of writers. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |