Philippines, 04 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Handa Na Ang Lahat

PhilBoxing.com
Fri, 05 Nov 2010



LOS ANGELES --- Isang magandang araw ang aking nais ipahatid sa bawat pinto ng inyong mga tahanan at nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Halos siyam na araw na lang ang nalalabi at susuungin na naman natin ang isang matinding pagsubok sa ibabaw ng ring. Haharapin natin ang dambuhalang si Antonio Margarito para sa bakanteng korona ng World Boxing Council seper-welterweight division sa Nobyembre 13 at nais kong ipabatid sa inyo ang aking kahandaan sa laban.

Lilipad ang aking koponan patungo sa Dallas, Texas sa Lunes, Nov. 8, at doon namin tatapusin ang paghahanda para sa pag-asinta sa isa sa pinakamalakaing record sa larangan ng boxing?ang paghangad sa ikawalong world title sa ikawalong magkakaibang weight division. After all the hard work, we are starting to cut down on heavy training as we aim to be a hundred percent ready for the fight at the modern Cowboys Stadium in Arlington, Texas.

Pagkatapos ng siyam na rounds ng sparring kahapon, masasabi kong malapit ko nang makuha ang pinakamataas na antas ng kahandaan sa anumang maaaring idulot na hamon ni Margarito, ang kampeon ng Mexico na bukod sa mas matangkad sa akin ay mas di hamak na malaki sa laban at pangangatawan.

Pero kahit na ganoon kalaki ang kalamangan ng ating makakalaban, excited na akong harapin ang isa sa pinakamatinding pagsubok ng aking 15-taong boxing career dahil maganda ang paghahanda namin kasama ng aking team.

Paparating na rin sa Los Angeles ang ilan sa mga importanteng tao sa aking buhay kasama na diyan ang aking pinakamamahal na asawang si Jinkee. Sa mga nalalabing mga araw ng training, babawasan na namin ang bilang ng rounds ng sparring at lalo ko namang pag-iibayuhin ang paghahanda sa mental, spiritual at emotional na aspeto ng training.

At kahit na marami ang pumupuna sa ilan sa mga pinagkakaabalahan kong tungkulin, karamihan sa aking mga ginagawa sa labas ng ring ay upang i-promote ang laban at nakasalalay din ang tagumpay ng promotion sa aking mga kamay. Hindi po ako magpapabaya sa paghahanda at lalung-lalo nang hindi ko pababayaang gumuho ang bawat pag-asang ipinapatong ninyo sa aking mga balikat.

Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat at diyan nagmumula ang inspirasyon kong talunin ang kalaban na siya namang maghahangad na kunin mula sa atin ang titulo at karangalan.

Congratulations din pala sa mga nagwagi sa kalilipas na US elections, kasama na riyan si Gov. Jerry Brown ng California at si Sen. Harry Reid ng Nevada.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.