|
|
|
Pakikiramay Kay Mr. Arum PhilBoxing.com Sun, 05 Sep 2010 LOS ANGELES -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, lalong lalo na ang mga nagbabasa ng pitak na ito at ang mga fans ng Pacland, mula Batanes hanggang Jolo, mula rito sa Los Angeles hanggang sa Manila at saan mang panig ng mundo. Kararating lang po namin dito sa Los Angeles matapos ang halos isang linggong pagpo-promote ng susunod kong laban sa Nobyembre 13 sa malawak na Cowboys Stadium sa Dallas, Texas. Kahit na pagod na pagod kami sa biyahe at sa pagharap sa mga kinatawan ng media at mga fans ng boxing, masaya pa rin ako sa nangyari dahil matagumpay naming naipahayag sa lahat ang magandang laban na masasaksihan ng lahat. Excited na ako na bumalik sa pag-eensayo at paghandaan ang napipintong pinakamahirap kong laban sa aking career. Gayunpaman, uuwi agad din ako sa Pilipinas upang gampanan ang aking tungkulin sa aking mga kababayan sa Sarangani bilang Congressman ng lalawigan. Hindi namin nakasama ang batikang promoter na si Bob Arum dahil kinailangan niyang hanapin ang nawawalang anak sa Washington. Nawala at nahanap na rin ang anak ni Mr. Arum sa bundok kung saan siya umakyat at nadisgrasya. Nakikiramay ako sa aking promoter na hindi na nakasama sa ikalawa at ikatlong yugto ng promo tour sa New York, New York at Dallas, Texas. Wala man si Mr. Arum sa press tour, nagawa rin naming gawing makabuluhan at matagumpay ang pagpo-promote ng laban kasama ang host ng Cowboys Stadium na si Jerry Jones. Natutuwa ako sa ipinakitang gilas, suporta at saya ni Ginoong Jones, ang bilyonaryong may-ari ng bagong Cowboys Stadium. Malugod akong lalaban muli sa Dallas matapos ang bakbakan namin ni Joshua Clottey noong Marso. Sa aking palagay ay mas maganda ang laban na ito dahil si Margarito ay kilalang mandirigma ng Mexico at hindi siya umaatras sa dikitang laban. Sa pagdagsa pa lang ng mga fans at ng mga manunulat sa Los Angeles, New York at Dallas, nakikinita naming dadagsain ang laban at susubaybayan ng lahat ang pay-per-view sa telebisyon. Natutuwa naman akong pati si Floyd Mayweather ay tumutulong sa pagbibigay ng pansin sa aking laban. Dahil sa paninira niya sa aking puri at sa paglalahad niya ng kaniyang kamangmangan ay lalong napapansin ng lahat ang laban na ito. Dahil kukulangin ang pahina ngayon, bibigyan-pansin ko ang mga kasalanan na ipinataw ni Mayweather sa susunod kong kolum. Alam kong aalma ang maraming taong naapektuhan ng racial slurs ni Mayweather na nagpakita ng kawalanghiyaan niya sa sarili. Alam kong marami pang babatikos sa kanya mula ngayon hanggang sa susunod kong kolum. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * Photo: Superstar Manny Pacquiao (L) does an interview while chief trainer Freddie Roach (far left) looks on during the Dallas-Miami preseason game Thursday night at Cowboy Stadium. Pacquiao and three-time world champion Antonio Margarito will hold a press conference Friday at the stadium for their upcoming mega fight on November 13 at Cowboys Stadium in Arlington,Texas. Pacquiao vs Margarito is promoted by Top Rank in association with MP Promotions and Cowboys Stadium. This telecast will be available live on HBO Pay Per View. -- Photo Credit: Chris Farina - Top Rank. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |