|
|
|
Unang linggo sa Kongreso PhilBoxing.com Thu, 29 Jul 2010 MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan, tagasubaybay at lalung-lalo na sa mga mamamayan ng Sarangani province na pinagmumulan ng aking kapangyarihan bilang isang bagong halal na Congressman ng Pilipinas. Nitong Martes lamang ay nabigyan ako ng pagkakataon na maibigay at maihayag ko ang aking unang privilege speech sa harap ng mga kapwa ko Kongresista at masasabi kong medyo kinabahan ako sa pagtatalumpati dahil hindi naman ako sanay pa. Minsan, mas madali pa nga siguro ang pagboboksing dahil dito talaga ako nakilala at ito ang una at pangunahin kong trabaho. Dito ako sanay at kadalasan, wala akong takot. Sa bagong larangan na aking pinasukan, masasabi kong panibagong pagsubok ito muli sa akin. Sa unang linggo ng pagbubukas ng Kongreso, naipahayag ko sa lahat ang aking layuning mapabuti ang mga buhay ng aking nasasaklawang distrito. Gaya ng bagong presidente, ako rin ay may malaking responsibilidad, mga tungkulin at suliraning minana ko sa nakalipas na panahon. Yes, it is true. The province of Sarangani doesn't even have a provincial hospital and that reflects the poverty of my region. Four out of ten people of Sarangani don't have adequate housing, food and nutrition. I used to belong to this statistic. Nananabik akong gampanan ang aking obligasyon sa aking mga kababayan dahil nanggaling ako sa hanay ng mga maralita. Halos hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking nadarama dahil ngayon, magagawa ko nang mas epektibo ang pagtulong sa aking mga kapwa mahihirap. Hindi pa rin ako makapaniwala minsan. Isa ako dati sa mga taong halos walang makain, walang matirahan at walang mapaghingian ng tulong kung kinakailangan. Sa pamamagitan ng aking bagong kapangyarihan, mas magiging mabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan at naghihikahos. Bukod dito, dahil malapit sa aking puso ang sports, masisiguro ko na maipapamulat ko sa lahat ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsali sa sports activities. Bukod dito, hinihingi ko rin sa lahat ang suporta at pakikiisa sa adhikaing makamit ng bansa ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics. Ang lahat ng ito ay tututukan ko. Marami pa tayong dapat tuparin at tapusin. Sana, gaya na rin sa aking mga laban, sama-sama tayong magtulungan at manalangin upang tayo ay sabay-sabay na umusad at magwagi sa huli. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all. * * * Top photo: Filipino boxer and now Congressman Manny Pacquiao, center, talks to Senator Loren Legarda as they attend the State-of-the-Nation address by Philippine President Benigno Aquino III at the joint Congress at suburban Quezon city north of Manila Monday July 26, 2010. AP Photo/Bullit Marquez) * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |