|
|
|
Respeto kay Clottey PhilBoxing.com Thu, 21 Jan 2010 NEW YORK -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga tagasubaybay, kaibigan, fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na magsisimula nang mag-ensayong muli. Sa oras na binabasa niyo ito ay kararating lamang namin at malugod akong bumabati sa inyo mula pa sa New York matapos ang aming press conference sa Dallas, Texas, kung saan kami nagkaharap sa unang pagkakataon ni Ginoong Joshua Clottey. Naririto kami sa New York upang dito naman ipag-ingay ang aming laban, ang ‘The Event’ na gaganapin sa Marso 13 sa Dallas Cowboys Stadium. Sa aming unang paghaharap ni Ginoong Clottey, ako’y lubos na humahanga sa kanya, dahil sa walang maanghang na salita siyang binitiwan, bagkus ay puro pasasalamat sa pagkakataong kami’y magkakaharap. Ako man ay ganoon rin sa kanya. Kahit naman sa iba ko pang nakaharap sa ibabaw ng ring, hindi ako nagsalita ng hindi maganda, kahit ilan sa aking mga nakaharap ay maraming salitang hindi maganda sa pandinig ang binibitiwan laban sa akin. Ganyan ang tunay na boksingero, hindi madaldal. Alam ni Ginoong Clottey kung papaanong rumespeto at diyan ako hanga sa kanya. Sino si Joshua Clottey? Isa siyang taga-Ghana, Africa na ngayon ay nakabase na sa New York. Masasabi nating hindi siya basta-basta boksingero, dahil maganda rin ang kanyang ring record na 35 win, 3 losses at 20 ang kanyang knockout. Saksi ako nang kanyang harapin si Miguel Cotto noong Hunyo 2009. Nasaksihan ko kung papaanong nakipagsabayan si Ginoong Clottey sa kalaban mula sa Puerto Rico. Sa tingin ko pa nga, close ang labang iyon at puwede ring si Ginoong Clottey ang nanalo. Ganyan din ang dapat kong asahan sa laban namin sa Marso 13. Naniniwala akong isa siyang mapanganib na kalaban. Bukod pa riyan, hindi pa nakakatikim ng knockout sa kanyang boxing career. “Malaki sa akin, mas matangkad pa at may lakas. “I will not be over confident because Clottey is a good, strong fighter.” Pagbalik namin sa Los Angeles, agad akong sasalang sa isa na namang pahirapang paghahanda, sa ilalim ng aking coaching staff sa pangunguna ni coach Freddie Roach, upang masimulan ang pitong linggong ensayo para kay Clottey. Kasama na rito ang pag-jogging sa umaga, na napakahalaga sa isang boksingerong naghahanda sa isang laban. Sa labang ito, muli kong hihilingin sa inyong lahat ang suportang lagi na ninyong ipinagkakaloob sa akin. Dahil hindi lamang ito laban ng isang tao, kundi ng buong bayan. Ang tagumpay ko ay tagumpay nating mga Pilipino. Samahan ninyo akong muli sa pagharap sa hamon ng isa na namang nais sumubok sa aking kakayahan at sana sa bandang huli’y sama-sama tayo sa isang tagumpay. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless us all! * * * Manny "Pacman" Pacquiao (L), General Santos,Philippines and #1 contender Joshua Clottey, Ghana pose during a press conference surrounded by the Dallas Cowboys cheerleaders in New York City Wednesday to announce their upcoming World Welterweight championship "The Event", will be held on Saturday, March 13 at Cowboys Stadium in Dallas, Texas and televised live on HBO Pay-Per-View. --- Photo Credit: Chris Farina - Top Rank. This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |