|
|
|
Pinoy Power PhilBoxing.com Sun, 09 Aug 2009 MANILA — Magandang, magandang araw po sa inyong lahat mga ginigiliw kong mga kababayan at mga sumusunod sa kolum na ito. Umaasa akong sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang linkod. Habang abalang-abala ako sa pag-shooting ng ilan sa aking mga TV projects at shows, maraming kaganapan ang nangyayari sa mundo ng boxing at ang ilan ay hindi rin maganda gaya ng pagpanaw ng tatlong tanyag na mga boxer, sila Alexis Arguello, Arturo Gatti at nitong huli ay ang pagnanakaw at pagpaslang kay Vernon Forrest. Masama man ang dating ng mga balita, ipinapanalangin kong sana ay manaig ang hustisya at managot ang mga dapat managot sa krimen. Pero marami rin namang magagandang balita at kasama na ang pagsikat ng marami kong mga kapwa Filipino boxers. Utang na loob ko pa rin ng marami ang ibinigay na karangalan sa atin ng mga naunang mga boxers gaya nila Pancho Villa at Gabriel “Flash” Elorde. Kung hindi sa kanila, walang landas na gagayahin ang marami sa amin. Minsan, nangarap kaming maging katulad nila at iyan ang bagay na hindi mababayaran, ang pagiging inspirasyon sa mga kabataan. Sa susunod na Linggo, sa paboksing ng Top Rank Inc., mapapanood sa pay-per-view ang Pinoy Power II na katatampukan ng mga boxers na tubong Pilipinas. Nakakatuwang isipin na ang mga Pilipino na ang ilan sa mga nagiging attraction ng mga palabas sa America. Katatampukan ito ng kampeon ng flyweight na si Nonito Donaire na lalaban kontra kay Rafael Concepcion para sa WBA interim junior bantamweight title. Si Nonito ay isa sa mga magagaling na Pinoy boxers na dapat nating suportahan gaya rin ng iba nating mga fighters. Si Bernabe Concepcion, isa sa mga sumisibol na mga boxer ng bansa, ay magbibigay ng hamon sa kampeon na si Steven Luevano para sa WBO featherweight title. Umaasa at nananalangin ako na sana, marami pang mga Filipino boxers ang magkakaroon ng magagandang tsansa na makakuha ng korona. Nabalitaan kong kabilang din si Mark Melligen, isang junior welterweight na makikipagsagupaan kay Michel Rosales sa Pinoy Power II undercard. Gaya ng kampeon na si Brian Viloria, malaki ang naitutulong ng sport na ito sa pagbibigay papuri sa ating bansa at nagagalak ako na makita ang mga susunod na mga kampeon gaya nina Michael Farenas, Marvin Sonsona, Rodel Mayol, ALA Boys, AJ Banal at Donnie Nietes at marami pang iba na hindi ko nabanggit. To all of you, may you continue to train hard, pray hard and hope to become a champion in the near future. It is not going to be easy and there are no short cuts to success. Always believe in yourselves and always give 100 percent of your efforts to everything you do. Do your best and God will do the rest. Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |