Philippines, 04 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Malaking Karangalan

PhilBoxing.com
Thu, 26 Mar 2009

LOS ANGELES?Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Sa pagpasok ng huling limang linggo bago kami magkakaharap ni Ricky Hatton sa MGM Grand Arena, naisaayos na namin ang mga balakid na maaaring harapin sa mga susunod na mga araw para sa laban sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Gusto ko mang linawin ang lahat ng bagay na nangyari sa akin nitong nakaraang linggo, mamarapatin ko na lang na huwag na lang banggitin ang mga bagay na ito sa kolum ngayong araw dahil ayaw ko na ring panggalingan pa ito ng lalong hindi pagkakaunawaan ng maraming panig.

Nagpapasalamat ako sa maraming tao na nakakaintindi ng kung ano ang mga totoong nagyari at sa wakas ay makakapag-concentrate na rin ako para sa darating nating laban kontra sa Englishman na si Hatton, ang tinuturing na hari ng lahat ng 140 pounds division.

Sa ngayon ay may 18 rounds na ang bilang ng aking sparring rounds at sa araw ng Martes, nakaharap ko si Urbano Antillon, isang boksingerong wala pa ring talo sa kanyang record at isa sa mga tumalo sa aking kapatid na si Bobby noong nakaraang taon din.

Maganda rin ang resulta ng aming sparring dahil medyo hawig ng kaunti ang style ni Antillon sa style ni Hatton. Maganda naman po ang resulta ng aking sparring at umabot ng anim na rounds na ang aming tinapos. Medyo ganado na akong lumaban, maghanda at magpalakas dahil na-solve na rin ang ilan sa aking mga problema at mga bagay na bumabagabag sa training.

Nalaman ko rin kahapon lamang na ako ang napiling Boxer of the Year ng Boxing Writers Association of America (BWAA) sa ikalawang pagkakataon matapos nating magtagumpay at manalo ng tatlong beses noong nakaraang taon sa magkakaibang weight divisions.

Dahil sa napili ako bilang Boxer of the Year ng BWAA, hindi ko papabayaan na maging kampante ako sa nalalapit na laban dahil alam ko, maghahanda ng puspusan din si Hatton.

Nalaman ko rin na ako ay iminumungkahi bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang mga tao sa buong mundo, ayon sa Time Magazine. Bilang isa sa mga iminumungkahing mga tao sa buong mundo, ito ay isang bagay na espesyal din dahil hindi ko akalain na ako ay maituturing na isa sa mga maimpluwensiyang tao sa mundo. Hindi ko akalain na ganito na kalayo ang aking narating sa buhay.

Sisikapin kong magpanalo pa at humakot ng mas maraming parangal sa larangan ng boksing na kayo at tayong lahat ang makikinabang sa huli. Kaya naman po, sana ay sama-sama pa rin tayong manalangin at mangarap ng mas malalaki pang mga bagay na darating sa ating buhay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.