Philippines, 22 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Mas Malaking Pagsubok

PhilBoxing.com
Thu, 05 Feb 2009

GENERAL SANTOS CITY?Magandang, magandang araw po ulit sa inyong lahat, aking mga kababayan at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuting kalagayan pa rin kayong lahat kahit na tayo ay nasa gitna ng isang pandaigdigang krisis ng ekonomiya.

Habang papalapit na ang takdang araw para sa paglipad namin patungong United Kingdom upang ipromote ang laban namin ni Ricky Hatton sa May 2, 2009 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, balik kolehiyo muna ako upang tapusin ang ilang units ko sa Business Management course sa Notre Dame of Dadiangas University, dito sa "Gensan."

Sa pamamagitan ng pag-aaral, mas lalo akong nagiging focused sa aking boxing career, dahil nahahasa lalo ang aking utak at mas marami na akong nalalaman ngayon na mga theoriya ng kalakal at sa buhay.

Mas lalo po akong nagiging pursigido at nagugutom upang abutin ang mga bagay-bagay na sa tingin ko dati ay imposibleng maabot noong ako ay bata pa, bunga na rin ng kahirapan sa buhay.

Sa laban namin ni Hatton, alam ko na siya ang magiging susi upang lalong magiging buhay at mapapalawig ang panaginip ng kadakilaan ng isang pobreng tao na sumikat sa ibabaw ng ring. Alam ko na mahirap pa rin ang daan patungo sa pagtatagumpay sa laban ngunit sa tulong ng Panginoong Diyos at dala na rin ng matinding pagsisikap at paghahanda sa training, makakamit natin ang minimithing ikalimang world title sa magkakaibang weight divisions.

Hanggang ngayon po ay mahirap pa ring paniwalaan na narating na natin ang ganitong kalayong paglalakbay sa biyahe ng ating buhay. Nagsimula akong lumaban sa 106 pounds, naging kampeon sa 112 pounds. Mula sa pagiging flyweight, lumukso ako ng dalawang weight classes (115 at 118 pounds) upang lumaban at maging kampeon ulit ng 122 pound division.

Dahil na rin po sa tamang desisyon na dapat lumaban sa 126-pound division dahil naroroon ang malalaking laban, muli ko pong nakuhang talunin ang hari ng featherweight division noong 2003, si Marco Antonio Barrera. At sa kumpas ng kasaysayan, naging champion po ulit tayo sa 130-pound super-featherweight division nang talunin natin si Juan Manuel Marquez.

Natalo rin natin si David Diaz, hari ng 135 pounds lightweight division ngunit mas nakakataba ng puso na sa gitna ng aming maiinit na labanan ay naging magkaibigan pa kami ni Diaz.

Lumukso po ulit tayo ng isang weight division, (140 pounds), upang labanan ang hari ng pay-per-view na si Oscar Dela Hoya at sa tamang game plan, nanalo po ulit tayo sa gitna ng maraming pagsubok.

Sa una kong laban sa 140 pounds, hindi po ako magiging over-confident dahil alam kong magaling din si Hatton. Sa tulong ng inyong panalangin, kakayanin natin uling manalo sa May 2.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.