|
|
|
Pagiging dalubhasa sa boxing at sa buhay PhilBoxing.com Sun, 01 Feb 2009 MANILA -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Gaya pa rin ng dati, ako po ay nasa mabuting kalagayan at nagsisimula na ring magpakondisyon upang maging handa sa laban sa May 2, sa Las Vegas, Nevada. Habang inihahanda na ang mga bagay-bagay para sa pagpo-promote namin ni Ricky Hatton sa katapusan ng buwan na ito sa United Kingdom, New York at Los Angeles, pinagkakaabalahan kong tapusin ang maraming mga commitment ko sa aking bansa, business at sa aking pamilya. Nasa Manila ako ngayon at ipinasyal ko ang aking pamilya, tapos lilipad din ako bukas patungo sa General Santos City para tapusin ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Naisisingit ko rin ang ilang sandali gaya ng paglalaro ng golf kasama ang aking mga kaibigan, na siya ring nagsisilbing pangkundisyon ko sa aking katawan. Inaasahan kong magsimula ng training sa unang linggo ng Marso upang paghandaan ang laban kontra sa 140-pound champion na si Hatton. Kasama rin nito ay ang aking pagtanggap ng isa pang parangal sa aking buhay, ang pagiging isang Doctor sa Human Kinetics, "Honoris Causa." Ang administration ng Southwestern University at ang Department of Education ay magbibigay sa akin nito sa February 18 sa Cebu. Ayon sa pagkaka-explain sa akin, ang "Honoris causa" ay nangangahulugan ng "para sa karangalan." Ito ay isang academic degree na ibinibigay ng isang universidad na wala nang bayad sa matrikula, pagtatapos ng mga leksiyon at pagpapasa ng mga pagsusulit sa kolehiyo. Natutuwa po ako sa parangal na ito dahil binibigyan ng Southwestern University ng paggunita ang aking pagkadalubhasa sa sport ng boxing at sa larangan ng palakasan at kasama na rin siguro sa pagtatagumpay sa buhay. Ang pagiging doctor sa Human Kinetics ay aking naumpisahan at natamo mula pa noong ako ay bata. Nalaman ko at nadiskubre mula pa noong nagsisimula ako sa pagboboksing na walang ibang sikreto sa pagwawagi sa ibabaw ng ring kung hindi ang sipag sa training at focus sa minimithing premyo na siyang magpapalaki ng anumang talento ng isang boksingero. Ang boksing ay sining at napatunayan natin iyan, na kahit tayo ay maliit sa laban, ay kaya nating lumaban ng sabayan at manalo pa sa kadalasan. Natutunan ko rin sa gitna ng kahirapan ng buhay noong ako ay nagsisimula pa lang ang pagkain ng mga tamang pagkain upang lumakas ang katawan. Ang disiplina sa sarili ay may malaking kontribusyon sa pagiging isang kampeon. Pero siyempre, una sa lahat, ay ang pananampalataya sa Panginoong Diyos, isang bagay na hindi dapat mawala dahil ang ispiritwal na bahagi ng paghahanda sa isang laban ay ang pinakaimportante sa lahat. Healthy spirit, healthy mind and a healthy body?iyan ang sikreto ng inyong abang lingkod. I will become a "doctor" in this business of boxing by learning things the hard way through hard work and believing that I can become a champion with the help of God. I thank everyone for the honor they have given me. I am still learning. I am still a student of the sweet science and I do not stop to achieve perfection in boxing and in life. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |