Philippines, 22 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Panibagong Misyon: Talunin si Hatton

PhilBoxing.com
Mon, 26 Jan 2009




MANILA ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang dako ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay nasa mabuting kalagayan din.

Bago ko makalimutan, gusto ko palang batiin ang lahat ng aking mga kaibigan at mga kababayan na nagse-celebrate ng Chinese New Year. Kung Hei Fat Choi, at sana lalong maging manigo ang Bagong Taon na 2009.

Opo, natapos na rin ang negosasyon para sa laban namin ni Ricky Hatton ng England at sa lalong madaling panahon ay opisyal na naming ia-announce ang laban na gaganapin sa May 2, sa Las Vegas, Nevada.

Itong huling linggong nagdaan ay naging isang malaking pagsubok sa mga miyembro ng aking koponan at marami akong natutunan sa mga taong nakapaligid sa akin at sa aking career.

Hindi rin natin masisisi ang ilang mga tao kung bakit kulang pa rin ang pagbibigay nila ng respeto at pagkilala sa akin, sa mga naipundar at naibigay kong tulong sa sport, bilang isa sa mga mandirigmang nagbibigay ng excitement at aksyon sa larangang ito ng palakasan.

Nasabi ko ito dahil sa gitna ng lahat ng negosasyon, ang namamahala sa Golden Boy Promotions na si Richard Schafer, ang CEO ng kumpanya na pinamumunuan at ipinundar ni Oscar "Golden Boy" Dela Hoya, ay pilit na ibinababa ang aking mga nagawang resulta sa labanan. Minsan, naging personal ang kanyang galit at dinadala niya ito sa gitna ng negosasyon, isang bagay na hindi dapat humantong sa ganoong mga usapin.

Hindi rin natin siya masisisi. Dalawang beses kong tinalo si Marco Antonio Barrera, tinalo ko rin si Juan Manuel Marquez at nakuha ang World Boxing Council super featherweight title mula sa kanya. At higit sa lahat, si Dela Hoya ay natalo natin noong isang taon sa isang laban na mahirap makalimutan ng mga boxing fans sa maraming taon na lilipas.

Lahat ng mga boxer na nabanggit ay ang mga pinakamagagaling na talento ng Golden Boy Promotions kaya siguro hindi maalis ni Schafer na gawing personal ang natapos na negosasyon.

Gusto ko na ring tapusin ang hidwaan na iyan dahil walang maidudulot na mabuti ang pag-aalitan. Ngayong medyo kuntento na ako sa mga kasunduan at mga pinag-usapang mga detalye ng kontrata, gusto ko nang magsimulang maghanda para sa susunod na laban.

Pero bago ang iyan, marami pa rin akong mga bagay na dapat tapusin, gaya ng aking pag-aaral sa kolehiyo, pag-asikaso ng aking mga business at pagpapaunlak sa mga imbitasyon ng showbusiness, bukod pa sa marami pang pinagkakaabalahan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.