Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Pangunahing Prayoridad

PhilBoxing.com
Thu, 15 Jan 2009




GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na kasalukuyang naghahanda para sa susunod nating laban.

Pero bago ang lahat ng iyan, ginagamit ko muna ang lahat ng libreng araw upang tapusin ang iba-iba pang mga gawain at responsibilidad ko sa kabila ng aking career ng pagboboksing.

Bumalik ako sa bansa kasama ang aking mga anak mula sa US nitong isang linggo upang tapusin ang ilan sa mga units sa kolehiyo kasama na rin ang pagtutok sa ilan sa aking mga proyekto, mga bagay na para sa akin ay mahalaga rin sa buhay. Dahil sa plano kong hindi naman magtatagal sa larangan ng pagboboksing, importante na mayroon akong pundasyon para sa isang buhay pagkatapos kong magretiro, marahil sa taong ito. At hindi na gaanong magtatagal pa bago ko tuluyang iwanan ang pakikipaglaban sa ibabaw ng ring.

Para sa taong ito, kailangan kong maging mas handa, mas maingat at nakatutok sa pangunahing prayoridad: ang makapagretiro na tinatanghal akong kampeon ng buong mundo at ng sport ng boxing.

Kaya nga sa ngayon, pinag-uusapan at pinaplano pa rin ang aking mga susunod na laban, gaya ng nakatakdang laban sa Mayo 2. Kahit na hindi pa final ang kasunduan sa isang malaking sagupaan namin ni Ricky Hatton ng Ingatera, inaasahan kong magkaka-ayos ang lahat-lahat para makapagsimula na akong mag-train at mag-promote sa lalong madaling panahon.

Napatunayan natin noong isang taon na kung maganda at maayos ang paghahanda para sa isang laban, walang imposible. Napatunayan nating lahat na kaya nating lumaban sa sinumang kalaban at nakakuha tayo ng dalawang world title sa magkaibang weight class at kasama na rin ang pagwawagi laban sa tinuturing na higante ng boxing, si Oscar Dela Hoya.

Malaki ang tiwala ko sa aking promoter na si Bob Arum ng Top Rank Inc. na maisasa-katuparan ang pagfa-finalize ng lahat ng detalye ng laban naming ni Hatton dahil alam ko, isa siya sa haligi ng sport na ito sa mahigit na apat na dekada na. Dahil sa kanyang experience at talino, alam kong naiintindihan niya kung ano ang karapat-dapat kong matanggap sa laban na ito. At dahil na rin sa napatunayan ko na ako ay karapat-dapat na tanghaling No. 1 boxer, pound-for-pound, tama lang siguro na mas malaki ang bahagdan ng aking makukuha sa laban na ito kaysa kay Hatton, na isa rin sa mga nirerespetong idolo sa Europa.

Gaya ng aking paniniwala, ang aking tanging responsibilidad ay ang maghanda at mag-train para sa mga laban na darating. Tiwala ako sa aking koponan na silang lahat ay makapagbibigay ng kanilang karunungan at kaalaman upang masimulan na ang lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.