|
|
|
Maraming, Maraming Salamat Po Ulit PhilBoxing.com Fri, 19 Dec 2008 General Santos City -- Kumusta po kayong lahat? Alam ko, karamihan sa inyo ay maganda pa rin ang pakiramdam at masaya pa rin kahit na halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang tayong lahat ay manalo kontra sa pinakamahirap kong kalaban na si Oscar Dela Hoya. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong mga panalangin, sa inyong mga pagbati, papuri at pagpapaniwala na tayong lahat ay magwawagi sa huli. Salamat sa Mahal na Poong Maykapal, sa ipinagkaloob niyang mga biyaya sa ating lahat, bilang iisang bansa, lipi at diwa. Maraming, maraming salamat sa aking pamilya na sumuporta sa akin at kasama kong nagsasakripisyo kahit na nangangahulugan na hindi kami magkikita ng maraming araw at buwan. Sa aking mga magulang na humubog sa akin upang maging isang mabuting anak. Kayo ang pangunahing dahilan kung bakit ako lumalaban sa ibabaw ng ring at kung bakit ko tinitiis ang maraming sakit sa katawan, ang malaking pagod at sakripisyo sa araw-araw. Maraming, maraming salamat po sa Diyos na siyang nagbibigay sa ating lahat ng lakas at buhay dito sa mundo. Kahapon po ay ipinagdiwang ko ang aking ika-30 kaarawan at labis-labis po ang aking tuwa. Sa araw na iyon ay aking binibilang ang mga biyayang nakamit muna nang ako ay magsimulang mangarap at nang maabot ko ang ilan sa aking mga napanagipang pangyayari sa buhay. Hindi ko lubos maisip na natamo ko na halos lahat. Maraming, maraming salamat sa aking koponan, ang team Pacquiao, ang mga arkitekto ng aking boxing career, ang mga taong tumulong at humugis sa akin bilang isang mandirigmang naging matagumpay sa ibabaw ng ring, ang mga taong lumaban at lumalaban para sa akin sa baba ng ring, ang mga taong ginagawa ang lahat upang mapadali ang trabaho ko. Maraming, maraming salamat sa aking mga kaibigan na lubos na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na lumaban kontra sa mas malaki at matangkad na kalaban, ang mga taong nininiwala na kaya nating manalo kahit na isang alamat na ang ating katunggali sa labanan. Maraming, maraming salamat sa mga miyembro ng media na tuluyang sumusuporta sa akin at sumusulat ng mga pawang katotohanan lamang at ang mga taong sumusubaybay sa aking bawat galaw. Kung wala po kayo, hindi ako makikilala sa buong mundo gaya ng katanyagang aking inaasam ngayon. Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga bumati sa akin sa aking kaarawan kasama na diyan ang aking mga kalaban sa mga nagdaang mga sagupaan. Hindi ko lubos maisip na kahit nagkakasakitan kami sa ibabaw ng ring, pagkatapos ng laban, magkakaibigan pa rin kami. Maraming, maraming salamat sa aking promoter sa boxing, na nagbibigay sa akin ng proteksiyon at naghahanap ng mga paraan upang lalo akong makakuha ng pinakamagandang laban at deal noon, ngayon at bukas. Sa aking mga hindi na nabanggit na mga tao, salamat din po sa inyo. Hindi pa po tapos ang aking career. Nagsisimula pa lang tayong lahat na abutin ang mga bagay na hindi natin inisip na possible palang maabot. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |