Philippines, 21 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


MARAMING SALAMAT SA MEDIA

PhilBoxing.com
Thu, 20 Nov 2008



LOS ANGELES ? Malaki ang dapat kong ipagpasalamat sa mga kinatawan ng media na tumutok at tumututok sa aking bawat galaw lalung-lalo na ngayon at palapit na nang palapit ang matinding salpukan namin ni Oscar Dela Hoya, ang pinakamalaking boxing event ng taong ito.

Nitong nagdaang Lunes sa Wild Card gym, nagdagsaan ang mga kasapi ng media upang ikober ang kaisa-isang media day ng aking kampo na nasa kalagitnaan na ng paghahanda para sa pinakaimportanteng laban ng aking buhay sa Disyembre 6, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang pinakamagagaling na mga manunulat at tagapagpahayag ng telebisyon, diyaryo, radio at internet ay dumalo sa naganap na media day at naging malaking media event ang araw na iyon.
Maraming maraming salamat po. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong walang-sawang pagsuporta sa akin.

Alam ko pong dahil na rin sa media kaya mas maraming tao ang nakakakilala na sa akin at ang aking pagsikat at pagiging international sports superstar ay dahil na rin sa mga magagandang kolum, articles, reports at balita ng mga mediamen na aking tinutukoy, kasama na rin ang iba pang nasa ibang bansa. Malaking bahagi nito ay ang mga Filipino members ng media na sumusubaybay din sa aking mga galaw kahit na malayo sila sa aksiyon.

Matagal ko ng sinabi ito at aking sasabihin ulit, kung wala ang media o mga miyembro ng press, wala ring sisikat na Manny Pacquiao at hindi kumpleto ang aking tagumpay sa ibabaw ng ring. Dahil sa mediamen, mas lalong nagiging tanyag ang isang katulad ko, isang atleta na nanggaling sa Asya, sa Pilipinas, sa bansang tinatawag na kabilang sa Third World.

Enjoy ako na makapiling ang mga fans at media kahit na medyo mabigat na ang aming paghahanda kay Dela Hoya. Gayunpaman, masaya kaming nagbiruan at nagtawanan, at kung minsan naman ay seryosohan din ang tema ng media day. Itong linggo ang tinuturing na pinakamahirap dahil ditto ako magi-ispar ng 12 rounds kontra sa tatlong boxers. Kahapon, araw ng Martes, ako ay nag-spar ulit ng sampung rounds kontra sa tatlong mga boxers at gusto kong ibalita sa inyo na maayos po ang kalagayan ng inyong abang lingkod. Sana ay nasa mabuti rin kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Malusog ang aking pangangatawan at isipan at buo ang aking pananampalataya sa Panginoong Diyos na magtatagumpay tayo sa labang ito. Sa oras na sinusulat ko itong kolum na ito, may 18 araw na lang ang bubunuin upang magkakaalaman na kung sino sa amin ang mas handa sa labang ito.

Maraming salamat din po sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pagtangkilik at pagsubaybay ng kolum na ito. Ipagpatuloy pa rin sana natin ang pagdarasal para sa isa't-isa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Manny Pacquiao (C) is being interviewed by the media during the Pacquiao Media Day at the Wildcard Gym in Los Angeles on Tuesday Nov. 17. Photo by Chris Farina.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.