|
|
|
PATOK ANG MAKABAGONG PAGSASANAY PhilBoxing.com Sun, 19 Oct 2008 LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako ang inyong tatanungin, ang physical condition natin ay paganda nang paganda patungo sa pinakamalaking araw ng aking boxing career?ang Dec. 6 na sagupaan namin ni Oscar Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Sa araw ng Sabado, gaganapin na ang pangatlong araw ng sparring at madadagdagan na ang eight rounds ng sparring na aking naitala mula noong magsimula kami noong Martes at Huwebes kontra sa dalawang magkaibang sparring partners. Patindi na nang patindi ang training dahil hindi basta-basta ang mga ka-spar ko. Unang-una, kailangan kong makaharap ang mga sparring partner na kasing-taas at laki ni Dela Hoya, na may malaking bentahe sa pangangatawan. Dahil sa ito ang pinaka-importanteng laban ng aking buhay, ginagawa namin ang lahat ng tamang pamamaraan upang makuha ang pinakamagandang kundisyon ng aking career. Sa pangunguna ni coach Freddie Roach, marami kaming mga bagong techniques na ginagawa sa paghahanda. Bagong bili ang mitts na gamit ni coach Freddie, na tinuturing kong pangalawang ama ko na. Mula nang nag-umpisa ako sa boxing, si Ginoong Roach ang gumabay sa akin at naghasa ng kung anumang talentong taglay ko. Ilang beses ko nang sinabi ito at gusto kong ulitin: Hindi ako magpapalit ng trainer hanggang sa ako ay mag-retire sa larangang ito. Lubos ang aking tiwala kay "coach" at mahaba na rin ang aming pinagsamahan. Kapwa namin nirerespeto ang isa't-isa bilang mga propesyonal na koponan at kahit na alam niya na ang trato ko sa kanya ay parang tatay na rin, hindi pa rin siya tumatawid sa pagitan ng pagiging coach at kaibigan ko. Naririyan din ang mga makabagong pagsasanay na sikreto naming ginagawa sa kabilang kwarto ng Wild Card gym kasama ang aking conditioning coach na si Alex Ariza. Unang-una, kahit na Latino si Alex, siya ay naging malapit na sa akin at buo ang tiwala ko sa kanya. Dagdag pa nito, alam ko rin, dahil marami ang nagsasabi sa akin na mga Latino o Mexicano, na pinipili nila ako na magwawagi higit pa kay Dela Hoya sa labanang ito. Tinatawag na makabagong plyometrics ang ginagawa namin sa gym. Dahil sa siyensiya, hindi kinakailangan na palakihin ang buo kong katawan upang makuha ko ang lakas at mas mabigat na mga suntok. Alam namin na ang aking bilis ang siyang pinakamalaking behtahe sa laban kaya masusing tinutuunan ng pansin na hindi mawawala ang advantage na ito. Nararamdaman ko na gumaganda ang aking pangangatawan at lumalaki na ng kaunti ang ibang parte ng aking katawan at bisig, isang bagay na ikinakatuwa ko. So far, so good. Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang sinimulan natin. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |