Philippines, 10 Oct 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


MAGANDANG SIMULAIN

PhilBoxing.com
Sun, 28 Sep 2008




SAN DIEGO, CA ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang panig ng mundo. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay nasa mabuting kalagayan at handa nang sumabak sa matinding paghahanda upang labanan si Oscar "Golden Boy" Dela Hoya sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Medyo naantala ng kaunti ang aking page-ensayo nang sumaglit lang ako pabalik sa Pilipinas at pagkatapos nito ay dumeretso ako sa El Cajon, upang patnubayan ang una kong boxing promotion sa United States kasama ang Sycuan Boxing Promotions ng Sycuan Band of the Kumeyaay Nation. Kahit na pinaunlakan ko ang pagdalo sa aking promotion, tuloy pa rin ang aking pagtakbo sa umaga at minsan ay nagba-basketball.

Magandang simulain po ang panimulang palaban ng MP Promotions na aking itinayo noong isang taon upang mabigyan ng tsansa ang aking mga kapwa Pilipino at boksingero na maipakita ang kanilang natatangaing galing, tapang at talento sa larangan ng palakasan lalung-lalo na sa pandaigdigang entablado.

Kakaiba po talaga ang nararamdaman ng isang promoter dahil pati ako, nininerbiyos sa pagpapanood ng laban, lalung-lalo na nang sumabak sila Bernabe Concepcion at Dennis Laurente na ilan lang sa mga boxers na kapwa ko tinutulungan na maging kampeon balang araw.

Opo, ako ay medyo kinakabahan kapag ibang boxers ang lumalaban, lalo na kung malapit sa akin ang mga sumasabak sa itaas ng ring. Ibang-iba ang nararamdaman ko kapag ako naman ang lumalaban dahil wala akong nararamdamang takot o pagkasindak sa aking mga kalaban bagkus ay lalo pa akong nae-excite.

Pareho namang nagwagi sila Concepcion at Laurente pero hindi naging madali ang pagkuha ng tagumpay, dahil siguradong naghanda rin ang mga kalaban na Mexicano sa palabang tinaguriang Philippines Vs. Mexico.

Gayun na nga ang nagyari, dahil para kay Concepcion, halos nahatulan siya ng isang pagkatalo sa pamamagitan ng TKO kung saan naputukan siya sa mata. Ngunit dahil na rin sa kanyang tiyaga at lakas, naipanalo at naitumba ni Concepcion ang kalaban sa ikawalong round.

Si Laurente naman ay nagpamalas ng bilis, tiyaga at liksi upang maitala ang kanyang pangalawang sunod na panalo dito sa US laban sa isang matibay at mabagsik na katunggali.

Masasabi ko pong, my first promotional boxing show was a huge success. Big credit should be given to the Sycuan group for giving us the chance to work with them. I am sure we can still work and come up with another project at the soonest possible chance.

Ngayong natapos na ang ibang mga gawain, itutuloy na namin kasama ang aking koponan, ang paghahanda para sa pinakamalaking laban ng aking buhay.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Bernabe Concepcion (R) engages Giovanni Caro in a bloody fight Thursday in El Cajon, CA. Photo by Miguel Salazar / MP Promotions.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.