Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


PARA SA BOXING FANS

PhilBoxing.com
Sun, 01 Jun 2008



SAN FRANCISCO ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Nandito na naman po kami sa San Francisco at masaya kong binabalikan ang lugar na kung saan ako ay unang lumapag noong una akong pumunta sa America eksaktong pitong taon na ang nakakaraan.

Bumabalik ako ngayon dito sa Bay Area upang i-promote ko ang aking susunod na laban kontra kay David Diaz sa Hunyo 28, 2008 sa Mandalay Bay Resort Arena sa Las Vegas. Kasama ko si Diaz, ang 135-pound WBC champion na magpo-promote ng laban. Dumating kami dito gabi ng Biyernes pagkatapos kong mag-spar ng 11 rounds sa hapon doon sa Los Angeles.

Natatandaan ko, buwan din ng Hunyo noon sa taong 2001, nang unang dumating ako dito sa America dahil ilang linggo lang ang nakalipas ay naganap ang magandang "aksidente" sa aking career.

Naaalala ko noong 2001, halos lumalaban ako kada dalawang buwan at noong buwan ng Abril 2001, tinalo ko si Wethya Sakmuangklang ng Thailand sa Kidapawan, North Cotabato. Pagkatapos noon, nagpasya kami ng aking team na subukan ang aming kapalaran sa America.

We did not have specific plans like who are we going to fight next. Basta sabi namin, punta na lang muna kami sa America upang maghanap ng laban at doon ituloy ang training. Habang nasa America kami, naghanap na rin kami ng trainer na makakapagturo sa akin ng panibagong techniques at kung sino ang makakapagbigay sa akin ng panibagong pananaw sa boksing.

Noong "bagong-salta" pa lang ako sa San Francisco, dito ako tumatakbo sa mga bulubunduking bahagi ng Daly City at halos wala pang nakakakilala sa akin. Iilan pa lang ang naging kaibigan ko at kakaunti o wala pang mga fans ang sumusunod sa aking bawat kilos.

Then I got to meet coach Freddie Roach in his gym, the Wild Card gym in Los Angeles. Since then, we have always been teacher and student in boxing. Parang kailan lang, matagal nap ala kami nagkasama ng aking coach na sa tingin ko ay magiging coach ko hanggang ako ay lalaban at lumalaban sa itaas ng ring. Coach Freddie and I trust each other and I know that he will take care of me for as long as we have each other's trust and confidence.

Siya ang isa sa mga susi kung bakit ko tinalo si Lehlo Ledwaba, iyong boksingerong sabi nila noon ay isa sa mga kinakatakutan at iniilagang mandirigma sa ring. Then the "accident" happened. I was a last-minute substitute to fight Ledwaba and with God's help, I won my second belt, the IBF super-bantam crown.

Sabi nga nila, the rest is history.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all!

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.