Philippines, 08 Oct 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Minimithing Ginto sa Beijing Olympics

PhilBoxing.com
Tue, 22 Apr 2008



Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

May nakapagsabi sa akin na halos 100 araw na lang bago mag-umpisa ang Beijing Olympics sa August 8. Maswerte siguro ang araw na iyon na opening ceremonies ng palaro at alam kong sadyang pinili ang petsang ito kasi 08-08-08 nga naman. Marami akong Chinese na kaibigan at sabi nila, bwenas nga daw ang number 8.

Kamakailan nakatanggap ako ng imbitasyon galing sa Chinese government upang bisitahin ko daw ang mga laruan at mga facilities sa Beijing mismo. Ang imbitasyon ay nakatakda sa last week ng Abril o unang araw ng Mayo.

It will be a great honor for me and my family to get such invitation from the Chinese government because they see me as an Asian who has become a figure and symbol of the whole of Asia in the world of sports, particularly in professional boxing. I am truly considering this invitation and I hope that I can make and find some time to accept this gesture of friendship from one of the most powerful countries and governments in the world.

Still, I have been very busy with my college studies and I have started to train for my next fight on June 28. I am looking at my schedule and I might just have to accept the invitation just in time for my travel to the United States for my formal training program.

Halos final na lahat ang detalye ng negosasyon para sa laban namin ni David Diaz at papunta sa US ang aking attorney upang ayusin ang kontrata. Nakatakda ang laban sa sa June 28 sa Mandalay Bay Resort Casino at sisimulan ko na ang seryosong paghahanda dahil isa na namang malaking laban ito dahil susubukan ko na namang makakuha ng isang korona sa mas mabigat na lightweight division.

Bilang isang sportsman, ako ay nananalangin na sana matamasa na natin ang minimithing gintong medalya sa Olympics dahil wala pa tayong nakakamit na ginto. Ayon sa records, silver medal pa lang daw ang pinakamataas na medalyang ating nakamtam mula nang tayo ay magsimulang sumali sa Olympics.

Minsan noong bata pa ako, sinubukan kong magtry-out para sa RP team pero siguro nga, hindi ko kapalaran na mapasali sa national team. Iyon ang kapanahunan nila Onyok Velasco na hindi masyadong pinalad na manalo ng ginto at nagwagi lang ng silver medal gaya rin ni Anthony Villanueva noong 1964.

Alam kong iisa lang ang pambato ng Pilipinas sa boksing na si Harry Tanamor dahil siya lang ang nakapag-qualify sa elimination tournaments na ginanap sa buong mundo. Alam ko rin na kahit iisa lang ang pag-asa ng ating boxing team, ang aking mga kababayang atleta sa iba't-ibang sports ay magbibigay ng kanilang lubos na kakayahan upang maiwagayway sa buong mundo ang ating bandila.

Alam ko ang pakiramdam kapag nasa itaas ka ng ring at hawak-hawak mo ang Philippine flag sa iyong balikat. Marahil nakita ninyo ako na mapaiyak sa galak dala ng tagumpay na natamo. Alam ko na ibibigay ng bawat kalahok ang kanilang 100 percent sa laban at kumpetisyon.

Manalo man o hindi, ginto, pilak man o wala, kapag ginawa mo na ang lahat ng iyong makakaya at ibinuhos mo ang iyong puso at lakas sa training, kayo pa rin ang tatanghaling mga bayani ng bayan.

Go Team Philippines!

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless everyone.

***

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.