Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


"Kadaugan" Nating Lahat

PhilBoxing.com
Thu, 17 Apr 2008



GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Balik na naman po ako sa pag-aaral matapos kong sumaglit sa Boracay nitong weekend upang makapag-relax at makapagpahinga.

Ilang linggo na lang at sasabak na naman ako sa training sa US kaya ginagawa ko lahat ang aking makakaya upang magamit ang kaunting oras na nalalabi para sa aking sarili at pamilya.

Sa Abril 21, pupunta naman ako sa Cebu para sa isang boxing promotion ng MP Promotions at Rex "Wakee" Salud Int'l Promotions para paunlakan at maumpisahan ang pagdiriwang ng "Kadaugan sa Mactan." Para sa mga hindi nakakaintindi ng salitang "kadaugan," ito ay Bisaya ng "pagkapanalo."

Ipinagdiriwang sa linggong ito ang pagkakapaslang ni Lapu-Lapu sa mananakop at manlulupig na si Ferdinand Magellan. Sa imbitasyon nina Cebu Mayor Tomas Osme?a at Lapu-Lapu City Mayor Arturo Radaza at lahat ng mga kapwa ko Cebuano, gagampanan ko rin ang role ni Lapu-Lapu sa pagsasa-buhay muli ng "Kadaugan sa
Mactan" sa Abril 27. Ang aking pinakamamahal na asawang si Jinkee ang gaganap bilang Bulakna, ang asawa ni Lapu-Lapu. Taos-puso kong tinanggap ang role na ito ni Lapu-Lapu at isang karangalan ito para sa aking pamilya. Gaya ng pagkakawagi ni Lapu-Lapu laban sa mananakop, ako rin po ay magbubuwis ng buhay kung kinakailangan para hadlangan ang sinumang magtatangkang sakupin o dungisan ang bandila ng Pilipinas at ang dangal ng Pilipino.

Malapit sa puso ko ang mga mamamayan ng Cebu dahil alam ko, tubong Cebu ang mga angkan ng Pacquiao kaya hindi na ako nagdalawang-isip nung ako ay inimbitahan na gaganap bilang Lapu-Lapu at hahawak ng kris na simbolo ng armas na katutubo. Napatunayan nating lahat na ang mga Pinoy ay may likas na tapang at pag-ibig sa bayan at hindi tayo padadaig kahit na sa tinaguriang mga pinakamagaling na eskrimador ng Kanluran.

Sa paboksing namin sa Abril 21, lalaban si Randy Suico kontra sa Thailander na si Sornkom Jockeygym sa isang ten-round, non-title match.

Si Eden Sonsona ay sasagupa naman kay Richard Olisa para sa Philippine super-flyweight title habang ang ex-PABA light-flyweight champ na si Marvin Tampos ay makikipagtagisan kontra kay Allan Ranada ng Bohol. The rest of the card will pit Darrel Pucdol versus Dante Cantiga; John Reil Casimiro versus Marvin
Sonsona; Daniel Ponce Villacura against Esrael Sapo; Rodulfo Sumabong versus Tata Recablanca; Jayson Siaton versus John Mark Ranan; Ali Cali against TBA; and Emelio Ervas versus Tata Tadena.

Mag-abot ta diha sa Cebu para isilibrar ang Kadaugan sa Mactan sa sunod Domingo.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless us all.

Top photo: The painting depicts Philippine chieftain Lapu-lapu slaying the Spanish leader Ferdinand Magellan when Magellan's group attacked the island of Mactan, Cebu in 1521.

* * * * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.