|
|
|
Filipino Hospitality vs Mexican Invasion PhilBoxing.com Thu, 10 Apr 2008 GENERAL SANTOS CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat. Lubos akong nasisiyahan na makumusta kayo ulit. Ako po ay nasa mabuting kalagayan at sana, kayo rin. Nitong nagdaang Linggo sa Araneta Coliseum, marahil ay nabalitaan ninyo ang pagkapanalo ng lahat ng Filipino boxers at ang pagdating sa bansa ni Juan Manuel Marquez upang siya mismo ang humikayat sa akin na sumang-ayon para sa isang rematch. Nangyari ito bago lumaban sa main event si Gerry Pe?alosa kontra kay Rattanachai Sor Vorapin kung saan nagwagi ang aking kumpare sa pamamagitan ng TKO sa ikawalong round. Congrats, Gerry at sa lahat ng nanalo. Si Marquez na galing pa ng Mexico, pinabagsak ko sa ikatlong round at tinalo ko sa isang dikit na split decision halos isang buwan na ang nakakalipas, ay personal na naghamon sa akin. Sa aking pansariling opinyon, dalawang beses ko nang tinalo si Marquez dahil noong una kaming nagkaharap noong 2004 (tabla ang resulta noon), nagkamali at inamin noong isang judge na mali ang score niya sa laban at ako ang karapat-dapat na nagwagi. Isa lamang ang aking sasabihin sa lahat ng gustong lumaban sa akin. Wala akong kinakatakutan sa inyo at wala akong uurungang paghamon dahil ako ay Filipino, isang mandirigma na gaya ni Lapu-Lapu ay hindi natakot sa espada ni Magellan na kanyang pinaslang sa Mactan. I have never backed out, backed down, backed away or backed off from a fight. As long as I am healthy and I can still give happiness and a good performance to my fans, my countrymen and all of boxing, I will continue to fight and train against everyone. I have faced bigger men in sparring and I have never chosen easy fights. That's why people loved me. Marquez doesn't scare me and actually, I am very eager to fight him soon, again. I am a fighter. My job is to get ready for a fight and stay in shape. People also need to realize this: This is my job, this is my business. I have a team and I trust them to guide me and tell me what is best for my career. I am starting to believe what boxing people write about me, that because my style of fighting is what the fans want, that is why everyone wants to fight me, because any opponent will also earn more if they fight me, Marquez included. Wala pong problema sa rematch. Kung si Marquez ay nagpapresyo ng malaki upang hindi matuloy ang unang rematch at naghintay kami ng apat na taon para mangyari ang Pacquiao-Marquez II, hindi ko patatagalin pa ang ikatlong laban kung iyan ang gusto ng lahat. Depende rin yan sa negosasyon, siyempre. Binibigyan-pugay ko si Marquez sa kanyang tapang at lakas ng loob dahil nagawa niyang pumunta dito sa Pilipinas. Pero naaawa rin ako sa kanya dahil sa masyado siyang desperado para sa isang rematch. Medyo naiinis din ang marami sa aking mga kasama dahil hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo. Iyakin siya, parang bata. He is not a good sport, sabi nila at naniniwala ako doon. We could have fought bare-fisted in the parking lot or anywhere, even in his backyard, but I think I am more of a gentleman. I will not stoop down to his level dahil iyan ang turo sa akin ng aking mga magulang. Kilala ang mga Pinoy sa kanilang hospitality at hindi ko papatulan si Marquez kahit na ano pa man ang kaniyang ginawang pambabastos o kawalan ng respeto. Naniniwala siya na nanalo siya gaya ng ibang mala-utak-talangka kong kababayan na humingi pa ng imbestigasyon. Ang hindi masabi ni Marquez ay karamihan din ng mga tao ay naniniwala na ako ang nanalo o sumang-ayon sa judges. Gaya nga ng nasabi ko, there is always a winner and there is a loser. Salamat sa Diyos, ako ang napili ng dalawang judge na nakatutok at nasa harap mismo ng aksiyon. Close fight talaga. To Juan Manuel, we will see each other soon and I hope you stay healthy. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all. *** This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |