Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Ang Kalikasan ay Buhay

PhilBoxing.com
Sun, 30 Mar 2008




MANILA?Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Ako po si Manny Pacquiao, tagapagtanggol ng kagubatan at kalikasan!

Lingid sa kaalaman ng marami, ako po ay may isa pang malaki at mahalagang tungkulin at iyan ay hindi lang bilang isang boksingero na lumalaban sa ngalan ng lahat ng Pilipino sa buong mundo. Ako rin po si Emmanuel D. Pacquiao, Chairman ng Task Force Luwas Kinaiyahan ng Department of Environment and National Resources (DENR) sa buong Mindanao region.

Malugod na tinanggap ko ang posisyon na ito mula nang maupo bilang pinuno ng DENR ang aking matalik na kaibigan at tinuturing na pangalawang ama na si Secretary Lito Atienza. Halos isang taon na ang nakakaraan mula nang umpisahan kong gampanan ang pagprotekta ng kagubatan at kalikasan.

"Task Force Luwas Kinaiyahan" or "Task Force Saving Mother Nature" is one of the more important projects close to my heart because I grew up loving nature. Marami ang hindi nakakaalam nito pero noong bata ako, lumaki ako sa bulubunduking bahagi ng Saranggani province sa isang liblib na lugar ng Miyasong.

Marami akong mga masasaya at hindi makakalimutang karanasan sa aking pagkabata, mula noong kaming magpapamilya ay lumalaban upang mabuhay at makakain sa bawat araw. Masaya ako ngayon dahil ang kahirapang iyan ang nagtaguyod sa akin sa buhay na ito upang maging matatag sa loob at labas ng ring. Kasama na rin diyan ang karunungan sa pamumuhay sa bundok na lubos na mahirap.

Pero hindi ko po muna ikukuwento lahat ng iyan, kasama ang aking mga experience sa pamumuhay sa tabing-dagat noong bata pa ako. Hintayin na lamang ninyo na lumabas ang totoong libro ng aking talambuhay na ilalabas namin pagkatapos ng aking boxing career. Ang aking kumpare at writer na si Winchell Campos ang inatasan kong sumulat ng aking biography.

Marami sa atin ang nagkikibit-balikat o nagpipikit-mata na lang sa panggagahasa ng marami sa ating mga kababayan ng ating mga gubat at karagatan. Marami ang pumuputol ng mga kahoy para sa kani-kanilang mga pangangailangan. Marami ang sumisira sa mga corals ng karagatan upang makapanghuli lamang ng isda.

Malaki ang nakatuong responsibilidad sa aking mga balikat dahil alam ko, ilan sa mga makakasagupa ko ay mga malalaking illegal loggers na walang-sawang kumakalbo sa kagubatan. Marami rin ang gumagawa ng illegal fishing at dapat din itong masugpo. Bilang Chairman ng Mindanao region, makikipag-ugnayan ako sa lahat ng tao upang mabigyan ng wastong aral ang lahat sa pinsala na dulot ng paninira sa kalikasan. Tutulong din ako upang mabigyan ng kabuhayan ang mga taong mawawalan ng trabaho, kung kinakailangan.

Marami ang hindi nakakaalam na sa kalikasan natin nakukuha ang lakas ng katawan. Sariwang hangin, malinis na tubig, sa sikat ng araw na hindi galing sa butas na ozone layer ng kalangitan, sa lupang hindi nalalason?

Hindi ko magagawang abutin ang lahat ng iyan kung walang tulong ang mga mamamayan. Bilang residente ng Mindanao, makakamit din natin ang tagumpay sa wastong paraan gaya ng pagtatanim ulit ng mga punong-kahoy at pagpigil sa paninira ng karagatan. Malaking responsibilidad ito pero kung makikiisa lamang ang lahat, magtatagumpay din tayo sa huli.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God bless us all and I hope we start loving, respecting and enjoying nature. #


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.