Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Finished Business

PhilBoxing.com
Thu, 20 Mar 2008




LOS ANGELES ? Isang masayang pagbati po sa inyong lahat. Malugod ko po kayong kinukumusta matapos sabay-sabay nating natamo ang isa sa pinakamimithi nating hangarin.

I would like to report to the Filipino people and to all boxing fans, especially my family and supporters: Mission accomplished! Iuuwi ko na po ang World Boxing Council super-featherweight title at ang Ring Magazine ?People?s Champion? belt nang magwagi ang buong sambayanang Filipino nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Las Vegas, Nevada.

Marahil alam na po ninyo o narinig na ang naging resulta ng laban, na nanalo ako sa pamamagitan ng split decision laban sa dating kampeon na si Juan Manuel Marquez ng Mexico.

I congratulate Juan Manuel for giving his best, and I think he gave out the best performance of his career. Our fight was a victory for all of boxing because we proved to everyone that we have the heart of champions and nobody backed off from giving the fans what they paid to see and hoped to happen.

Marami po sa aking mga kababayan ang malugod na tumawag sa akin upang batiin at marami akong natanggap na mga masasayang comments, lahat sila ay naniniwala na ako ang karapat-dapat na nanalo sa laban. I commend my opponent for coming up with the best offense and defense which made our fight interesting and very, very close.

Naniniwala ako na iyong knockdown na naitala ko sa ikatlong round ang isa sa pinakamalaking break para sa akin sa laban at wala akong pangangamba na ako ang dapat tanghaling kampeon sa labang iyon. Ang ?Unfinished Business? namin ay ?Finished Business? na, kung ako ang tatanungin.

Marami ang tumutuligsa sa decision ng judges at nakakapanghina ng loob na ang iba rito ay mga kapwa Filipino ko, kasama na rin ang ibang miyembro ng media. Nakakapagtaka dahil mukhang mas magagaling pa sila kaysa sa tatlong judges na nasa harap mismo ng entablado at nakatutok sa laban. Ang iba sa mga tumutuligsa sa akin ay mga taong nanood lamang sa harap ng isang maliit na TV kung saan maingay o kaya sa madilim na sinehan. Hindi ko po sila masisisi. Sa isang malayang lipunan, ang bawat isa ay may karapatang ibigay ang kanyang opinion, maging tama man ito o hindi.

Walang problema para sa akin kung magkakaayos man ulit para sa isang rematch kahit na sampong beses pa kaming maglaban, pero bakit pa? Napatunayan ko na kaya kong sabayan, talunin at pabagsakin muli ang isa sa mga pinakamagaling na counter-puncher sa larangan ng boksing at gaya ng naitalang decision ng tatlong judges, wala na dapat pang pagdebatihan o pagtalunan pa.

Noong nagtabla kami noong unang laban namin at nagkamali ang isang judge may nagsabi bang dapat paimbistigahan dahil nagkamali at umamin ang isang judge na dapat 10-6 ang score sa first round at hindi 10-7? Hindi ko alam kung bakit nag-kumento ng ganito ang mga taong ito, baka dala lang ng katandaan at hindi na alam ang ginagawa, NAKO!!! Sana sa pag tanda ko hindi ako matulad sa kanila na kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi.

Hindi lang po ako natutuwa sa mga sinulat at sinabi ni Ricardo ?Recah? Trinidad ng Inquirer, kasama na ang iba pa, dahil binabale-wala na lang niya ang lahat ng sakripisyong aking ibinibigay sa bansa at ang pag-aalay ko ng aking buhay. Narinig kong gusto pa ng matandang ito na paimbestigahan ang mga hurado. Natatawa na lang po ako, medyo naiinis na rin.

Ang tatlong judges, sila Tom Miller, Duane Ford at Jerry Roth, kasama ang HBO analyst na si Harold Lederman ay nagkapare-pareho ng score sa unang limang round, lamang ako, 48-46. Ang dalawa sa tatlong official judges ay pumabor din sa akin sa pang-anim na round. Pare-pareho ang mga score ng dalawa pang judges na si Miller at Ford sa round 9 at 10, na siyang nagbigay sa aking ng kasiguruhan na ako ang tatanghaling kampeon sa huli.

Nakakadismaya na si Trinidad pa ang humihingi ng isang imbestigasyon dahil sa hindi lang tumugma ang kaniyang opinion. Imbestigasyon nino? Imbestigasyon sa Senado? Imbestigasyon sa Korte Suprema? Imbestigasyon sa Las Vegas ? Ginoong Trinidad, umpisahan mo ang iyong balak, baka may makuha kang mga supporter at makapag-umpisa ka na ring mag-martsa sa EDSA.

Kinukutya mo pa ako sa pagkapanalong ito dahil sa tingin mo ay nagkakawatak-watak ang mga taong naniniwala na ako ay nanalo o natalo. Hindi man lang binigyan ni Trinidad ng kaunting kahihiyan ang kaniyang sarili.

Naniniwala ako na patas ang naging decision at diyan na dapat magtatapos ang anumang usapan. Maraming salamat po.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. Have a blessed Holy Week and see you all after Easter, sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesus.


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.